Pagtapyas sa oil production, hindi makaaapekto sa pump prices sa Pinas-DTI
- Published on June 9, 2023
- by @peoplesbalita
MALABONG maging dahilan ng pagtaas ng pump prices sa Pilipinas ang naging desisyon ng Saudi Arabia at iba pang miyembro ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) na tapyasan ang oil production.
Sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual sa press briefing sa Malakanyang na tila isang “defensive strategy” mula sa oil-producing countries ang bagay dahil ang oversupply ay maaaring maging daan para sa pagbaba ng presyo ng langis, idagdag pa na habang ang presyo ng langis ay hindi tumataas, maaari rin ang mga ito na mapigilan na bumaba.
“Eh isang ano ‘to, defensive move para hindi tuluy-tuloy ang pagbaba ng oil, puwede ring hindi magresulta in increase, pero hindi na bababa ng lower level. Kung hindi nga gagalaw ang presyo, eh di neutral,” ani Pacual.
“Kung bumaba pa, baka ma-cut pa uli sila ng production. Gano’n lang naman ‘yon eh, supply and demand, kung mataa ‘yong supply kumpara sa demand, bababa ang price, kung mas mataas ‘yong demand kaysa sa supply, bababa ang price. So ‘yon ang binabalance ng mga producers,” dagdag na wika ni Pascual.
Sinabi pa nito na mayroong epekto sa presyo ng goods kung ang presyo ng langis ay tataas.
Subalit iyon ay kung tataas lamang ang presyo ng langis.
“May impact ‘yan syempre kapag tumaas ang price ng oil pero ang tingin ko nga, baka hindi naman magresulta ng pagtaas overall pero mame-maintain lang where it is para hindi na bumaba,” aniya pa rin. (Daris Jose)
-
Amit at Centeno tatako sa 30th Kamui Women’s World 9-Ball
PUNTIRYA nina Philippine pool queens Rubilen Amit at Chezka Centeno na tuldukan ang pagkauhaw ng bansa sa titulo pagsabak sa 30th Kamui Women’s World 9-Ball Championship sa Jan. 19-22 sa Atlantic City, New Jersey. Umalis sina Amit, 41, ng Cebu, at Centeno, 23, ng Zamboanga para sa isang misyong makopo ang unang kampeonato ng […]
-
KEANU REEVES, CARRIE-ANNE MOSS REUNITE AS NEO & TRINITY IN “THE MATRIX RESURRECTIONS”
THE chemistry, the power… Watch the cast and filmmaker reflect on Neo and Trinity’s journey through the Matrix in the newly released vignette below. Don’t miss them reunite in Warner Bros. Pictures’ new action thriller “The Matrix Resurrections” in Philippine cinemas January 12. YouTube: https://youtu.be/bp68PjgoQzQ From visionary filmmaker Lana Wachowski comes “The Matrix […]
-
Miting ng Pilipinas at mga kumpanya ng Japan, umabot sa 200 -PBBM
UMABOT sa 200 na pag-uusap ang nangyari sa pagitan ng Pilipinas at mga kumpanya ng Japan sa 5-day official visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. “In the morning of the first day, our Department of Trade and Industry Secretary Pascual reported that the business matching event that DTI arranged for 85 Philippine companies […]