COVID-19 positivity rate sa bansa bahagyang bumaba sa 18.6% – OCTA Research
- Published on June 9, 2023
- by @peoplesbalita
BAHAGYANG bumaba sa 18.6% ang kabuuang bilang ng Covid-19 positivity rate sa bansa batay sa pinakahuling ulat ng OCTA Research.
Sa isang pahayag, sinabi ni Octa Research fellow Guido David, na bumaba na ito sa 18.6% mula sa dating 19.4 percent noong nakaraang araw.
Batay sa kasalukuyang datos ng Department of Health , iniulat ni David na umabot na sa 1,337 ang bagong kaso ng Covid sa buong bansa.
389 na kaso mula sa kabuuang bilang ay nagmula naman sa National Capital Region.
Nakapagtala rin ng mga bagong kaso ng Covid sa Cavite na mayroong 88 na kaso, Bulacan (76 na kaso), Laguna (66 na kaso ), Rizal (58 na kaso ), Iloilo (52), Pampanga (45), Isabela (42), Cagayan (41), Batangas (34), Bataan (32), Pangasinan (28), Quezon (26), Nueva Ecija (25), at Cebu (20)
Samantala,ang kabuuang caseload naman ng covid 19 sa bansa ay pumalo na sa 4,147, 12 9 na kung saan ang 14, 398 dito ay mga aktibong kaso.
-
LGUs maghanda sa super typhoon – Marcos Jr.
INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga lokal na pamahalaan na paghandaan ang mga posibleng pag-ulan at pagbaha na maaaring idulot ng super typhoon Mawar. Muling tiniyak ng Pangulo sa publiko na naka-standby ang disaster council sa pagpasok ng super typhoon. Ayon kay Marcos, inilagay na ng gobyerno ang mga […]
-
2 MILYON SWAB TEST, NAPROSESO NA
UMABOT na sa mahigit 2 milyon ang swab test sa buong bansa ang naiproseso ng Phiilippine Red Cross (PRC) sa patuloy nitong pagtulong sa bansa sa paglaban sa Covid-19,ayon kay PRC Chairman & CEO Sen. Richard Gordon Nagsimula ang PRC na magsagawa ng COVID-19 swab tests noong April 2020, na aabot sa 9,000 samples kada […]
-
PBBM pirmado na ang P20k na incentive, ‘gratuity pay’
NILAGDAAN na ni Pangulong “Ferdinand” Bongbong” Marcos Jr. ang ilang kautusang magbibigay ng P20,000 service recognition incentive at gratuity pay para sa mga manggagawa sa gobyerno — kabilang na ang mga kontraktwal. Ito ang nilalaman ng limang-pahinang Administrative Order 12 na pinirmahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin nitong ika-7, bagay na magbibigay ng […]