• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Inaming na-bully sa pagiging ‘balbon’: YASSER, nanliligaw pa lang kay KATE at ‘di pa girlfriend

WALA pang relasyon sina Yasser Marta at Kate Valdez.

 

 

Iyan ang nilinaw mismo ni Yasser sa guesting niya sa episode ng ‘Fast Talk with Boy Abunda’ kamakailan.

 

 

Tinanong kasi ni Tito Boy ang hunk Sparkle actor kung sila na ba ni Kate.

 

 

“Hindi pa po Tito Boy,” ang sagot ni Yasser, pero inamin niya na nililigawan niya ang magandang aktres na regular na napapanood sa ‘Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis’ sa GMA.

 

 

“Nanliligaw po ako sa kanya, nililigawan ko siya Tito Boy. Pero mas nandoon kami sa ine-enjoy lang namin ‘yung companionship ng bawat isa.

 

 

“Tsaka ayaw din naming madaliin, mas maganda yung may nabi-build kayong foundation,” sinabi pa ni Yasser.

 

 

Samantala, naikuwento rin ni Yasser na noon pala ay madalas siyang ma-bully dahil sa pagiging balbon!

 

 

Pero sa ngayon ay tanggap na niya ang pagiging balbon ay isang katangian.

 

 

Sa Fast Talk segment rin kasi ng talk show ay ipinakumpleto kay Yasser ang pangungusap na, “I am Yasser Marta, I am sexy because…”

 

 

“I am Yasser Marta, I am sexy because mabalbon ako,” sagot ng Kapuso actor.

 

 

“Kasi noong bata ako Tito Boy binu-bully ako dahil sa buhok, e. Unggoy daw, laging sinasabing buhok na tinubuan ng tao,” pagbabahagi pa ni Yasser.

 

 

“Pero ngayon po natutunan ko na rin pong i-embrace rin, hindi naman yung imperfections, pero kung ano talaga ako kasi dito sa atin bihira naman yung may ganitong features.

 

 

“Pero tinanggap ko na rin at mas naniniwala ako na I am unique,” pahayag niya.

 

 

Kaya nga makikita sa mga social media post ni Yasser ang kanyang mabuhok na kaseksihan.

 

 

“Nasimulan ko na Tito Boy, nag-underwear na ako so for me, ngayon iyon din ang isa sa mga pinagpo-focus-an ko,” wika niya.

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Halaga ng piso, 85 sentimo na lang – PSA

    TULUYAN nang bumagsak ang purchasing power ng Philippine peso kontra US dollar dahil sa mas tumaas na inflation nitong buwan ng Oktubre.     Sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang halaga ng piso noong 2018 ay katumbas na lamang ng 85 sentimo noong Oktubre.     Nitong Hulyo, katumbas pa ito ng 86 […]

  • Competency o kakayahan, pangunahing criteria sa pagtatalaga bilang Marcos admin officials

    WALANG  palakasan at political connections sa pagtatalaga bilang  public managers ng gobyerno.   Sa katunayan, ang pagpili bilang Marcos admin  officials ay base sa  merito at kakayahan na magampanan ang kanilang  government functions.   Sa idinaos na Public Leaders’ Summit (PLS) ng Career Executive Service Board (CESB) noong nakaraang linggo, sinabi ni Executive Secretary Victor […]

  • Presyo ng petrolyo sisipa sa higit P3

    POSIBLENG  sumipa sa mahigit P4 ang presyo ng kada litro ng diesel habang aabot ng hanggang P3.50 sa gasolina.     Ang inaasahang fuel prices ay dulot umano ng patuloy na giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.     Batay sa pagtaya, aabutin ang taas sa diesel mula P3.80 hanggang P4.10 kada litro, sa […]