• December 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, pinangunahan ang pagdiriwang ng ika-125 Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan

“THE heroes of our liberation would be proud to know that we have thrown off the ‘ominous yoke of domination’; never again to be subservient to any external force that directs or determines our destiny.”

 

 

Ito ang inihayag ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. sa idinaos na ika-125 na anibersaryo ng  Philippine Independence and Nationhood.

 

 

Tiniyak ng Pangulo sa mga mamamayang Filipino ang kanyang suporta na palayain ang bansa mula sa “corrosive political and social conditions” na maaaring bihagin ang bansa.

 

 

Sa kanyang naging talumpati,  sinabi ng Pangulo na isang malaking karangalan para sa kanya na tumayo bilang kinatawan ng bansa para gunitain ang kabayanihan ng mga bayaning Filipino na ipinaglaban ang kalayaan ng bansa.

 

 

Hinikayat nito ang mga mamamayang Filipino na “to pause and reflect” kung paano ang bansa ay maging “from that transformative event” sa kasaysayan ng Pilipinas.

 

 

“I appeal for unity and solidarity in our efforts to perfect our hard-fought freedom, and achieve genuine national progress. Heeding this call will indispensably require patriotism and a strong sense of community, diligence, industry, and responsibility from all our citizens,” ayon sa Pangulo.

 

 

Tinuran pa nito na sa kabila ng “evolutionary developments” para gawing “free, independent, at democratic state” ang bansa, mayroon aniyang manifold “unfreedoms” ang nananaig sa lipunan at nakaharang sa daan ng human development.

 

 

“Poverty, inadequate economic opportunities, disabling rather than enabling living conditions, inequality, and apathy are corrosive political and social conditions that hinder the nation’s complete freedom and development,” ayon sa Pangulo.

 

 

“We will strive to remove the unfreedoms. We will aim to feed the hungry, free the bound, and banish poverty. These are primordial moral and existential imperatives laid upon your Government,” dagdag na wika nito.

 

 

“Through wise policies, we will foster a highly conducive and enabling environment in which the exercise of true human compassion shall allow for the full development of the Filipino,” aniya pa rin.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi pa ng Pangulo na inilatag na ng kanyang administrasyon ang  Philippine Development Plan para sa susunod na anim na taon.

 

 

Ipatutupad aniya ito ng may “vigor and consistency.”

 

 

“The government will be responsible,” ayon sa Pangulo sabay nangako na pangungunahan ang mga Filipino sa mahaba at matarik na daan para makamit ang kalayaan mula sa pagkagutom, kapabayaan at pagkatakot.

 

 

“But as integral actors in our democracy, we are all involved in this collective pursuit of real freedoms. That duty rests with all of us,”  ayon sa Punong Ehekutibo.

 

 

Hinikayat ng Chief Executive ang  mga Filipino na magkaisa na suportahan ang isang “free at independent Republic.”

 

 

Ang bawat isa aniya ay may obligasyon sa mga pambansang bayani ng bansa at sa susunod na henerasyon  ng mga Filipino para suportahan at panatilihin ang  malaya at independent republic.

 

 

Ngayong araw ay ipinagdiriwang ng Pilipinas ang ika-125 taong anibersaryo ng Philippine Independence and Nationhood  na may temang “Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan.” (Daris Jose)

Other News
  • BELA, umamin na nagbakasyon sa Turkey sa gitna ng pandemya

    SA latest Instagram post ni Bela Padilla, pagkatapos niyang i-post ang naging 3rd anniversary celebration nila ng mga kaibigang sina Kim Chiu at Angelica Panganiban, umamin na ang ac- tress na nagpunta nga siya ng Turkey.   Usap-usapan nga na sa gitna ng pandemic at kunsaan, takot pa ang mga tao na mag-travel, nakaalis ng […]

  • VP Sara ipinagtanggol

    IPINAGTANGGOL ni Duterte Youth Party-List Rep. Ducielle Marie Cardema ang napipintong appointment ni presumptive Vice-President Sara Duterte bilang Education Secretary sa kritisimo ni Senator Risa Hontiveros ukol sa kuwalipikasyon ni Duterte.     “If you need to reform and uplift a very big organization, specially the biggest in the country like DepEd, what you need […]

  • Alcantara, Gonzales talsik

    HINDI umubra sina Philippine duo Francis Casey Alcantara at Ruben Gonzales laban kina Conner Huertas at Alexander Merino ng Peru, 7-6 (11-9), 4-6, 10-7, para magmintis sa semifinals ng katatapos na International Tennis Federation (ITF) ASC BMW $25,000 Men’s World Tennis Tour second leg sa Naples, Florida.     Pumalaot sa quarterfinas sina homegrown Alcantara […]