Alcantara, Gonzales talsik
- Published on March 3, 2021
- by @peoplesbalita
HINDI umubra sina Philippine duo Francis Casey Alcantara at Ruben Gonzales laban kina Conner Huertas at Alexander Merino ng Peru, 7-6 (11-9), 4-6, 10-7, para magmintis sa semifinals ng katatapos na International Tennis Federation (ITF) ASC BMW $25,000 Men’s World Tennis Tour second leg sa Naples, Florida.
Pumalaot sa quarterfinas sina homegrown Alcantara ng Cagayan de Oro at Fil-Am Gonzales ng USA via walkover sa pares ng dalawang Amerikanong nagkaroon ng COVID-19, pero hindi naman pinalad ang national netters sa salpukang ito.
Gayunman, bahagyang pag-angat ang pinakita nila rito, makalipas na masipa agad sina Alcantara at Gonzales sa first round laban kina Columbian Alejandro Gomez at American Israel ‘Junior’ Alexander Ore sa first leg ng torneo nitong isang linggo. (REC)
-
TD ni Curry tunaw sa Heat
NAGSALPAK si Jimmy Butler ng limang sunod na puntos habang kumamada si Max Strus ng 24 markers sa 116-109 pagsunog ng Heat sa nagdedepensang Golden State Warriors. Tumapos si Butler na may 23 points at may 19, 17 at 13 markers sina Bam Adebayo, Duncan Robinson at Kyle Lowry, ayon sa pagkakasunod, para […]
-
P25/kilong bigas hiling pabahain sa lahat ng palengke
MABILIS na inaprubahan ng House Committee on Agriculture and Food ang panukalang isama ang tobacco smuggling bilang economic sabotage. Napagkasunduan din ng komite na mag-draft ng committee report para i-endorso sa plenary ang panukalang batas na inihain nina Puwersa ng Bayaning Atleta party-list Rep. Margarita Nograles at Presidential son at Ilocos Norte Rep. […]
-
Pacquiao babalikan si Spence
Ayaw tantanan ni eight-division world champion Manny Pacquiao si reigning World Boxing Council (WBC) at International Boxing Federation (IBF) welterweight champion Errol Spence Jr. Desidido ang Pinoy champion na muling maikasa ang isang blockbuster fight laban kay Spence sa oras na gumaling na ito sa kanyang eye injury. “I have no […]