• December 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kelot isinelda sa baril sa Caloocan

HIMAS-REHAS ang isang lalaki matapos makuhanan ng hindi lisensyadong baril sa bisa ng ipinatupad na search warrant ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek bilang si Eduardo Ocampo Jr alyas “Jun Tattoo” ng Block 25, Lot 24 Madrid Street Tierra Nova, Phase 2 Barangay 171 Caloocan City.

 

 

Sa kanyang ulat kay kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Col. Lacuesta na nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Calooccan Police Sub Station 9 na illegal na nag-iingat umano ng baril ang suspek.

 

 

Sa bisa ng search warrant na inisyu ni Hon. Raymundo G. Vallega, Executive Judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 130, Caloocan City para sa paglabag sa Section 28 (a) of RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Act) ay hinalughog ng mga tauhan ng SS9 sa pangunguna ni P/Major Jose Hizon ang loob ng bahay ng suspek dakong alas-4:40 ng hapon.

 

 

Nakumpiska ng mga pulis sa loob ng kanyang bahay ang isang cal. 38 revolver na kargado ng isang bala at nang hanapan siya ng kaukulang mga dokumento hinggil sa legalidad ng nasabing baril ay walang naipakita ang suspek na naging dahilan upang arestuhin siya.

 

 

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Act).

 

 

Pinuri naman ni NCRPO Director, P/MGen Edgar Alan Okubo ang Caloocan police sa kanilang pagsisikap para labanan ang iligal na pag-aari at kalakalan ng mga baril. (Richard Mesa)

Other News
  • Ads August 16, 2023

  • Na-diagnose noong 2016 na may Alzheimer’s disease: Legendary crooner na si TONY BENNETT, pumanaw na sa edad na 96

    BIBIDA si Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa month-long special ng #MPK o Magpakailanman.       Si Alden ang unang aktor na mabigyan ng four episodes ng MPK sa buong buwan ng August.     Unang episode ay “A Runner to Remember: The Jirome de Castro Story” na mapapanood sa August 5. Tungkol sa runner […]

  • Erolon pipirmi sa Falcons

    TAPAT!     Mananatili sa pugad ng Adamson University ang AdU  High School Baby Falcon basketball player na si John Mathroven ‘Matty’ Erolon.     Nag-commit siyang sa AdU Soaring Falcons para lilipad para sa 84th University Athletic Association of the Philipines 2021-22.     Ito ay bilang pagganti ng utang na loob o pasasalamat sa […]