• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

FIGHT FOR LOVE

MALE CHAUVINISM!!!Ayan ang matagal ng problema ni Max sa kanyang trabaho. Bakit hindi siya mabigyan ng fair chance porke’t male dominated job ang fire fighting? Hindi maalis sa isip niya ang natanggap na pa-welcome sa kanya.

 

 

“One month…I’ll give you one month para patunayan ang sarili mo.”

 

 

Sa dulo ng mahabang “scrutinizing gaze”, ayan ang salitang binitiwan sa kanya ni Deputy Chief Dylan Santillan, head ng station 5. Kung hindi nga lang mayroon siya pangako sa kanyang sarili at binitiwang salita sa kanyang ama na isang retired chief sa kanilang probinsiya, minsa’y naiisip na din niyang mag give up.

 

 

Nakatulugan na ni Max ang inis para sa bagong magiging “boss”. Ngunit buo ang kanyang hangarin na magpatuloy. Sapagkat iyon ang pinangarap niya sa buhay sapul pagkabata. Ang sundan ang yapak ng kanyang mahal na ama.

 

 

Kinabukasan ay buong kasiyahang sinimulan ni Max ang kanyang trabaho, sa ikatlong fire station so far na kanya nang nalipatan. Sa station 5 ay ipinakilala sa kanya ang makakasabayan niya ng duty sina Kuya Elmer at Kuya Isko, na ‘di umano ay matatagal ng mga bumbero ngunit nananatiling rank 1fire fighter ang ranngo. Kung bakit ay parang alam na niya. Kasama din nila ang all-around na si Tatay Rody o “tatang” kung tawagin nila. Aminado si Max na magaan agad ang loob niya rito. Para kasing nakikita niya kay tatay Rody ang kanya Papang Miguel.

 

 

Smooth sailing na sana ang first at second day ni Max. Paper works ang pinahawakan sa kanya. Ngunit pagdating ng sumunod pang mga araw ay unti-unti na siyang nakaramdam ng boredom.

 

 

Hindi naman secretary ang position na pinasok ko…pambihira bakit puro papel itong pinagagawa sa akin dito?

 

 

Pagkalipas ng walong araw sa wakas ay dumating ang pinakahihintay na sandali ni Max. Tumunog ang alarma…may sunog! Matic ang naging reaction ni Max, sa ilang segundo ay naisuot na niya ang kumpletong gear.

 

 

Yes! This is it pansit…Go! Go! Go! Get ready to fight Max!

 

 

“Saan ang lakad mo, Carlos?” buo ang tinig na sambit ni Chief Dylan mula sa likuran ni Max.

 

 

Napakunot-noo si Max sa tanong na iyon ni Dylan. Anong klaseng tanong ‘yon? Ano daw?

 

 

“Who give you order? Hindi ako…definitely” dugtong pa ni Dylan sa sarkastikong tono.

 

 

Tumayo nang tuwid si Max at deretsong tumitig sa mga mata nito. “Initiative, sir…”

 

 

“Namputsa! Sa trabaho nating ito hindi importante ang initiative…order…ORDER! Stay put…let’s go men! Double time!”

 

 

Sa isang sulok ng mata ni Max ay nakita niya ang tila nanunuyang pagngisi nina Elmer at Isko bago mabilis na sumunod sa paglabas ni Dylan.

 

 

Nasa fire truck na si Dylan nang punahin ito ni Nilo, ang engineer cum driver na ka-close sa lahat ni Dylan sa mga katrabaho.

 

 

“Chief, okay ka lang ba?”

 

 

Isang maikling tango ang tugon ni Dylan. Ngunit nanatiling nakaguhit ang kunot nito sa noo. Sa labas ng station, nakatayo noon si Tatay Rody hawak ang walis na may tangkay, ang sandata nito. Isang makahulugang tingin ang habol nito sa noo’y papalayong fire truck.

 

 

Sa loob ng station ay tila nilamukot na papel ang mukha ni Max sa pagkakasimangot. Walang anu-ano’y may biglang gumalabog.

 

 

      Bwisit kang basurahan ka may araw ka rin makikita mo!

 

 

Sinipa ni Max ang trash can. Doon ibinunton ang nadaramang inis para kay Dylan. (Itutuloy)

 

NOBELA NI LETICIA NATIVIDAD

Other News
  • Duterte binigyan na si Avisado ng otoridad para sa release ng Bayanihan 2 funds

    KINUMPIRMA ng Malacañang na binigyan na ng delegated authority ni Pangulong Rodrigo Duterte si Budget Sec. Wendel Avisado na ilabas na ang P51 billion pondo sa Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2).   Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, mailalabas ang pondo ngayong araw at hindi na ito dadaan sa Office of the […]

  • ‘Political terrorism’ ang pagpatay kay Governor Degamo – senador

    INILARAWAN  ni Senate President Juan Miguel Zubiri na isang “political terrorism” ang pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.     Paliwanag ni Zubiri, sakop ito ng anti-terrorism law.     Ito at dahil ang pagpatay sa sibilyan o isang tao at pagsira ng mga ari-arian ay malinaw na pananakot.     Isa lang aniya […]

  • Ads July 9, 2021