• July 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LIBRENG BOARD EXAM KAPALIT NG SERBISYO SA GOBYERNO

NAG-ALOK ang pribadong sektor na sagutin ang mga gastusin para sa board review ng mga kwalipikadong nursing graduates kapalit ng apat na taon na return service sa mga ospital ng gobyerno.

 

 

Sinabi ni Health Secretary Ted y Herbosa,na  ito ay kaugnay ng plano niyang kumuha ng mga hindi lisensyadong nursing graduates para magtrabaho sa gobyerno, basta’t makapasa sila sa board exam pagkatapos ng ilang panahon.

 

 

“Lumapit sa akin ang private sector, sila na raw ang magbibigay ng scholarship sa mga nurse na hindi makapasa kung iha-hire sila doon sa position na ‘yun,” sabi ng kalihim sa isang panayam.

 

 

Binanggit ni health chief na ang tuition sa review centers ay umaabot sa P25,000 at hindi lahat ng nursing graduates ay kayang bayaran ito.

 

 

Sa sandaling maipasa ang board exam, sinabi ng kalihim na ang lisensyadong mga nurse ay pipirma ng four-year return service agreement at magbibigay serbisyo sa ospital ng gobyerno bago sila payagang mag-abroad.

 

 

Sa kasalukuyan, may 4,500 na bakanteng plantilla items para sa mga nurse sa mahigit 70 ospital ng DOH, ayon kay Herbosa .

 

 

Nauna nang sinabi ni Herbosa na handa siyang kumuha ng mga hindi lisensyadong nursing graduates kung mayroon silang mga diploma mula sa accredited nursing schools.

 

 

Kung papayagang magtrabaho sa gobyerno, sinabi niya na ang mga nagtapos ay maaaring makakuha ng panimulang sweldo na humigit-kumulang P35,000 hanggang P40,000, na maaaring tumaas pa.  GENE ADSUARA

Other News
  • Representatives ng Pilipinas sa Le Bal des Debutantes sa Paris: AGA at CHARLENE, proud na proud sa kambal na sina ANDRES at ATASHA

    PROUD parents  ang mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzales dahil naging representatives ang kambal nilang sina Andres at Atasha ng Pilipinas sa Le Bal des Debutantes sa Paris.  Ganoon din namang ang mag-asawang sina Congressman Richard Gomez at Ormoc City Mayor Lucy Torres, dahil nanalo naman sa Open Fencing Championship, ang only child nilang si […]

  • Lacson, Gonzales nagbabala ng ‘destabilization’ kung mananalo si Marcos Jr. sa Halalan 2022

    KAPWA nagbabala sina Presidential bets Sen. Panfilo Lacson at dating defense secretary Norberto Gonzales sa posibleng mangyaring “destabilization” sa bansa kung mananalo sa pagka-pangulo si dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.     Sa isang press conference sa Manila Peninsula, araw ng Linggo, sinabi nina Lacson at Gonzales, kasama ang kapuwa presidential candidate na si […]

  • PDU30, hindi madadamay sa Senate probe sa Pharmally – Roque

    KUMPIYANSA ang Malakanyang na hindi madadamay si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa nagpapatuloy na Senate investigation ukol sa ginawang pagbili ng gobyerno sa P8 bilyong halaga ng medical supplies mula sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.   “Absolutely not. Wala naman po silang ebidensya na nakukuhang may overpriced,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque nang tanungin kung […]