Bakbakan sa Speakership sa Kongreso: tapos na ang boksing-Sec. Roque
- Published on October 15, 2020
- by @peoplesbalita
TAPOS na ang boksing!
Ito ang sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque sa usapin ng Speakership sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Kaya kaagad na nagpaabot ng pagbati ang Malakanyang hinggil sa bagong lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa katauhan ni bagong House Speaker Lord Allan Velasco.
Sinabi ni Presidential spokes- person Harry Roque na kinikilala ng Malakanyang ang liderato ni Velasco bilang bagong Speaker of the House.
Kasabay ng pagpapahatid ng congratulations o pagbati ay ang paninindigan ni Sec. Roque na ang paghahalal ng Speaker ay resulta ng desisyon ng mga kongresista.
Dahil dito, umaasa ang Malakanyang na s maaaprubahan sa 3rd at final reading ang 2021 proposed national budget sa Kamara mula ngayon hanggang Biyernes.
Samantala, ang mensahe ng Malakanyang sa bagong House leadership ay “good luck” habang moot and academic na din ani Sec. Roque ang banta ni Congressman Cayetano at mga kaalyado nito na hindi nila kikilalanin ang pagkakaluklok ni Velasco.
May ratipikasyon na aniyang ginawa ang mga Congressmen at ito ay bunga na rin ng tinatawag Internal intervention. (Daris Jose)