• January 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

KONSEPTO NG 15-MINUTES CITY, NAIS GAYAHIN NG QC

PINAG-AARALAN na ngayon ng pamahalaang lokal ng Quezon City ang konsepto ng 15-minutes city strategy bilang bahagi ng kanilang komitment sa pagsusulong ng sustainable community sa lungsod.

 

 

Ang 15-minutes city ay isang urban model na nagsisigurong ang lahat ng esensyal na pangangailangang serbisyo gaya ng health care, job opportunities, parks at open spaces, at edukasyon ay accessible at malapit lamang sa bahay ng lahat ng mamamayan, ayon na rin kay Professor Carlos Moreno ng Sorborne University.

 

 

Layunin nito na idecentralize ang mga serbisyo at ibaba ito sa mga komunidad upang mapayabong pa ang ekonomiya at maisulong ang bio diversity at inclusivity at makapaghatid sa tao ng masustansyang mga pagkain.

 

 

Ayon kay Mayor Belmonte, nais nyang gayahin ang konsepto ng 15 minutes city dahil napahanga sya nito nang personal nyang masaksihan ito sa Paris, France upang mas mapaunlad pa ang pamumuhay ng mga mamamayan.

 

 

Kaugnay nito ay tinipon ng pamahalaang lokal ang mga researchers mula sa mga departamento upang pag-aralan ito. Kabilang dito ang Office of the City Administrator (OCA), Climate Change and Environmental Sustainability Department (CCESD), City Planning and Development Department (CPDD),City Architect Department (CAD), Parks Development and Administration Department (PDAD), Transport and Traffic Management Department (TTMD), and Barangay and Community Relations Department (BCRD).

 

 

Ayon kay CCESD Head Andrea Villaroman, bukod sa magiging accesible sa mga mamamayan ang serbisyo ng pamahalaang lokal, makatutulong din sa pangangalaga at pagprotekta sa kalikasan. Suportado rin nito ang target lungsod na makamit ang carbin neutrality sa taong 2050.

 

 

Paliwanag pa ni Belmonte, mahalaga ang partisipasyon ng mamamayan sa pagpapatupad ng 15 minutes city concept. Ang lahat ng pagsisikap ng mga residente, pribadong sektor at mga ahensya ng pamahalaan ay mahalaga tungo sa pagkamit ng liveable at sustainable na lungsod. (PAUL JOHN REYES)

Other News
  • ‘ Wag gamitin ang sitwasyon ng pandemya sa negosyo

    UMAPELA si Senador Bong Go sa mga nagsasamantala at ginagawang negosyo ang COVID- 19 na sana ay unahin na ang buhay ng kapwa Pilipino bago ang kanilang pagkita nang sobra-sobra.   Sinabi ni Go na necessary commodity na ang COVID-19 testing habang mayroon pang pandemya kaya napipilitan na ring magbayad ng mahal ang mga Pilipino […]

  • “TOM & JERRY” BIG SCREEN ADVENTURE REVEALS OFFICIAL TRAILER

    TOM and Jerry take their cat-and- mouse game to the big screen. Watch the trailer for Warner Bros. Pictures and Warner Animation Group’s new comedy adventure “Tom & Jerry” now – coming to Philippine cinemas 2021.   Facebook: https://web.facebook.com/137782652917951/videos/456916345270610/ YouTube: https://bit.ly/tomandjerrymaintrailer   One of the most beloved rivalries in history is reignited when Jerry moves […]

  • “Fast X” Will speed Its Way in Philippine Cinemas on May 17

    “Fast X”, the tenth film in the Fast & Furious Saga’s two-part conclusion, launches the final chapters of one of cinema’s most storied and popular global franchises, now in its third decade and still going strong with the same core cast and characters as when it began.     Over many missions and against impossible […]