• July 19, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘ Wag gamitin ang sitwasyon ng pandemya sa negosyo

UMAPELA si Senador Bong Go sa mga nagsasamantala at ginagawang negosyo ang COVID- 19 na sana ay unahin na ang buhay ng kapwa Pilipino bago ang kanilang pagkita nang sobra-sobra.

 

Sinabi ni Go na necessary commodity na ang COVID-19 testing habang mayroon pang pandemya kaya napipilitan na ring magbayad ng mahal ang mga Pilipino para makapagpasuri kaya naman hindi na dapat samantalahin ng iba.

 

Binigyang diin ni Go na dapat palaging unahin ang buhay ng mga Pilipino at hindi dapat pagkakitaan lang ng mga nagsasamantala .

 

Kaugnay nito, iginiit ni Go na dapat mayroon nang mekanismo na nakalatag para maging mas available at affordable ang COVID-19 testing.

 

Ayon kay Go, tulad ng sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte, uunahin ang mga mahihirap at vulnerable sector kapag mayroon nang available at sure na COVID- 19 vaccine para makabalik na sa normal na pamumuhay at paghahanap-buhay. (Ara Romero)