• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DUTERTE MAY NAITABI NG BUDGET PARA SA COVID-19 VACCINE –PALASYO

NAKAPAGTABI na ang pamahalaan ng pondo para ibili ang 20 milyong mahihirap na Filipino ng vaccine laban sa Covid -19 kapag naging available at handa na ito bago matapos ang taon.

 

Sa isinagawa kasing dalawang araw na pagpupulong ng mga Executive Board ng WHO, sinabi ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus na kakailanganin ng buong mundo ang bakuna at umaasa silang magagawa na ito bago matapos ang taong kasalukuyan.

 

“Naitabi na po natin ang budget para sa pagbili ng COVID- 19 vaccine. Alam na natin ang mekanismo,” ayon kay Presi- dential Spokesman Harry Roque.

 

“Bibili po tayo ng dosage, 2 dosage para sa 20 million na pinakamahirap nating mga kababayan. Mauuna po ang mga mahihirap,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Ang Philippine International Trading Corp ang bibili ng vaccine, na popondohan naman ng LandBank at Development Bank of the Philippines.

 

Naglaan ang pamahalaan ng initial na budget na P2.4 billion para sa COVID-19 vaccines, ayon Department of Health.

 

Samantala, tinatayang nasa 9 na ang experimental vaccine na inaantabayanan ngayon ng WHO-led COVAX global facil- ity kung saan oras matapos ito ay target nilang maipamahagi agad ang 2 bilyong doses sa iba’t ibang bansa sa mundo bago matapos ang taong 2021. (Daris Jose)

Other News
  • Leviste pinupuntirya ang Olympics at SEA Games

    SOBRANG pahirap man, pero masunurin pa rin sa safety guidelines at health protocol ng Inter-Agency Task Force ang equestriane star na si Marie Antoinette ‘Toni’ Leviste at kanyang kabayo sa mga pagsasanay at paghahanda sa planong dalawang ng kompetisyon sa susunod na taon.   Ito ang 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo Japan sa […]

  • Nag-comment sa IG post ni Joey tungkol kay BBM: TONI, nabuking tuloy ng netizens ang pagiging ‘stalker’

    ANG Love You Stranger na magsisimula ng mapanood sa primetime sa Lunes, June 6 ang full-length serye ng real-life sweethearts na sina Khalil Ramos at Gabbi Garcia at matagal din hinintay na matuloy ito kaya mas special daw sa kanila.     Bukod pa rito, first rin ni Khalil as Kapuso.     “Lahat naman […]

  • PBBM, dumating na sa Melbourne para sa ASEAN-Australia Special Summit

    DUMATING na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Melbourne, Australia para sa ASEAN-Australia Special Summit.     Mainit na sinalubong ng mga Australian government officials si Pangulong Marcos kasama si First Lady Liza Araneta-Marcos at ang Philippine delegates.     Lumapag ang PR 001 na sinakyan ng Pangulo at ng kanyang entourage sa Melbourne […]