Sinisigurong magiging proud ang mga anak nila: DINGDONG at MARIAN, excited sa balik-tambalan sa family drama na ‘Rewind’
- Published on June 22, 2023
- by @peoplesbalita
TULUYAN na ngang ipinabatid sa buong mundo, sa pamamagitan ng isang Facebook live ang pelikulang pagsasamahan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, ang ‘Rewind’ na co-produced ng Star Cinema, APT Entertainment, at AgostoDos Pictures.
Ayon sa head ng ABS-CBN Film Productions Inc. na si Kriz Gazmen ang mahalagang milestone na naabot na ng ‘Rewind’, na hindi nila inakalang mangyayari pa.
“This year, for ABS-CBN in particular, has been a year of collaborations. This is one of the many collaborations that we’re doing. So I’m just very, very proud because this is a film that you never thought would happen. ‘Di ba?
“A collaboration na parang years in the making kung alam niyo lang ‘yung behind the scenes kung paano siya nangyari,” pahayag ni Kriz.
Ni-reveal naman ni Box office director Mae Cruz-Alviar na 2020 pa dumating ang project, pero na-postpone dahil sa pandemic.
Say pa ni Direk Mae, “I think ‘yun ‘yung isa sa mga exciting parts. Na alam mong ang tagal and yet, here we are, we’re launching it now, and it’s the time for it. Kumbaga, in God’s perfect time.”
Ibinahagi naman ng mag-asawa kung bakit sila nag-go sa project na magbabalik sa kanilang tambalan sa pelikula, kahit na abala sa kani-kanilang schedule.
“Bawat kwento sa akin, bawat paglipat ko ng pahina doon sa script, parang walang tapon sa script eh. Walang dahilan para hindi ko ito gawin, especially alam ni Dong na every time na magka-partner kami, meron kaming moment na mas tumitibay kami.
“‘Ah may ganun pala siya’ so may bagong nadi-discover sa kanya na lalo akong nai-in love,” kuwento ng mommy nina Zia at Sixto.
“Sabi ni Direk (Mike Tuviera) sa ’kin, ‘Yan, may soap ka, may ganito ka, sure ka?’ Sabi ko ‘Hindi, gagawin ko ‘yan kahit mahirapan ako sa schedule.’”
Ayon naman kay Dingdong, noon pa man ay gusto na nila ni Marian na gumawa ng isang proyekto na pareho nilang ipagmamalaki at dumating na nga ito, ang ‘Rewind’ na sa pagbabahagi ni Direk Mae, isa itong family drama with a touch of magical realism and it’s all about second chances.
Say ni Dong, “Siyempre bukod sa makakasama ko siya, makaka-collaborate ko ang mga mahuhusay na creators, eh ang gusto na rin namin na pinipili namin ay maging proud kami sa mga anak namin.
“Ganitong klaseng pelikula at kwento ang gusto naming malaman sa mga manonood. And it is a family movie.”
Dagdag naman ni Marian, “Sa madaling salita, ito ‘yung klase ng pelikula na alam naming magiging proud ‘yung mga anak namin sa amin.”
Natanong din si Marian kung ano ang nararamdaman na finally makagagawa na siya ng isang proyekto sa Star Cinema, tulad ni Dingdong na nakailang movies (‘Segunda Mano’, ‘One More Try’, The Unmarried Wife’, ‘She’s The One’ at ‘Seven Sundays’) na at pawang magaganda and memorable ang kanyang na-experience.
“Sobrang excited. At the same time, kay Direk. Kasi si Dong, ang daming kwento tungkol sa kanya. Sabi ko nga kay Dong ‘Sana balang araw ma-direk din niya ko.’ Kasi punong-puno ng pangarap ‘yung kwento ni Dong sa akin every time na mag-Star Cinema siya. So sabi ko, ‘Sana balang araw,’” masayang pahayag pa ng magandang aktres.
Inamin naman ni Direk Mae na excited din siyang makatrabaho sina Dingdong at Marian at ang naturang pelikula ay dapat talagang abangan ng mga tao bago magtapos ang 2023.
“Pero the experience nga working with Dong before, parang gusto mong maulit. That’s why I’m excited and it’s not just with him, but also with his wife Yan.
“It’s an event film, it’s an event project. So sinong hihindi sa project na ‘to? So ano siya, sobrang something to look forward to,” kuwento pa ng direktor.
Super happy and excited ang DonYan fans sa ‘Rewind’ na sigurado ngang maipalalabas this year.
May nagwi-wish na sana raw ay isali at mapili ito bilang isa sa entries ng 2023 Metro Manila Film Festival.
(ROHN ROMULO)
-
Higit P100K droga, nasabat sa 4 na tulak sa Navotas
BAGSAK sa kulungan ang apat na hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyong halaga ng shabu nang malambat sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Navotas City. Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Navotas police chief […]
-
NORA, pasok sa list ng ‘Most Awarded Musicians of All Time’ na kung saan Number 1 si MICHAEL JACKSON
NAKATUTUWA namang malaman na ang aming idol na si Ms. Nora Aunor ay pasok sa listahan ng Most Awarded Musicians of All Time. Nasa number 26 sa listahan ang nag-iisang Superstar. Ang iba pang singer na may dugong Pinoy na pasok sa listahan ay sina Bruno Mars who ranked 35th at si Enrique Iglesias […]
-
27K pasahero dumadagsa kada araw
UMAABOT sa 27,000 pasahero ang lumalapag sa bansa kada araw na karamihan ay mga balikbayan na nais makasama ang kanilang pamilya sa selebrasyon ng darating na Pasko, ayon sa Bureau of Immigration (BI). Sinabi ni Carlos Capulong, acting chief ng BI-Port Operations Division, nasa pagitan ng 25,000 hanggang 27,000 ang kanilang naitatala na […]