• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM tiniyak pipirmahan ang panukalang Maharlika Investment Fund

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na kaniyang lalagdaan ang bagong bersiyon ng Maharlika Investment Fund (MIF) sa sandaling makarating ito sa kanyang opisina.

 

 

       Gayunpaman sinabi ng chief executive na bago niya ito lagdaan, kanya muna nitong rebyuhin para makita ang buong panukala.

 

 

“I will sign it as soon as I get it. Am I happy, well that is the version the House and the Senate has passed and we will certainly look into all of the changes that have been made,” pahayag ni Pang. Marcos Jr.

 

 

       Sa sandaling mapirmahan ito ng Pangulo, magigiging ganap na batas ang panukalang MIF.

 

 

       Siniguro naman ng Pangulo sa publiko na hindi mapupunta sa wala ang mga perang ilalagak sa Maharlika Investment Fund. (Daris Jose)

Other News
  • Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, DOT at ECPAT, isinagawa ang Child Safe Tourism seminar

    LUNGSOD NG MALOLOS- Sa pinagsama-samang pagsisikap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, Kagawaran ng Turismo-Rehiyon III at ng End Child Prostitution, Child Pornography and the Trafficking of Children for Sexual Purposes (ECPAT) Philippines, naisagawa ang Child Safe Tourism Seminar sa pamamagitan ng Zoom kamakailan.     Tinalakay sa nasabing seminar ang pinakabagong programa ng Kagawaran ng Turismo […]

  • Gaganap na Luna at Sky sa ‘Senior High’: ANDREA, may hatid na mahahalagang aral kasama sina KYLE, JUAN KARLOS, ZAIJIAN, XYRIEL at ELIJAH

    MAHAHALAGANG aral tungkol sa mental health ang hatid na mensahe nina Andrea Brillantes, Kyle Echarri, Juan Karlos, Elijah Canlas, Zaijian Jaranilla, at Xyriel Manabat, sa bagong Kapamilya teleseryeng “Senior High.”       Mapapanood na ito simula ngayong Lunes (Agosto 28) ng 9:30 PM.       Isa itong mystery-thriller series kung saan bibigyang diin […]

  • Subpoena kay Bantag, naisilbi na ng DOJ

    IKINOKONSIDERA ng Department of Justice (DOJ) na naihain na kay suspended Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag ang subpoena ukol sa kasong murder na inihain sa kaniya kaugnay ng pagpaslang sa broadcaster na si Percy Lapid (Percival Mabasa) at Cristito Villamor Palana.     “The subpoena was served to the last known address of […]