• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Matapos magdesisyong hiwalayan ang asawa: CAI, walang natatatanggap na child support kaya kayod-marino

TOTOO pala na hiwalay na ang komedyanteng si Cai Cortez sa Tunisian husband nito na si Wissem Rkhami.

 

 

Kinasal ang dalawa noong 2016 at meron silang dalawang anak. Ayon sa kuwento ng aming source, taong 2021 daw noong magkaroon ng problema sa pagsasama ng dalawa na nauwi na sa hiwalayan.

 

 

Sa programa na “Fast Talk with Boy Abunda’ na isiniwalat ni Cai na hiwalay na sila ni Wissem at single parent na siya sa dalawang anak nila.

 

 

“Being a single mother to my two kids. Kaya namin and we are happy and thriving. Hindi lang masabi na nabubuhay pero thriving, happy,” sey ni Cai.

 

 

Wala raw natatanggap na child support si Cai mula sa ex-husband niya kaya kayod-marino sa pagtrabaho ang aktres.

 

 

“Importante ang pera kasi may dalawang anak ako eh at ako ang sole provider, kaya hindi puwedeng matigil ang pagpasok ng pera. Kasi ayokong umasa sa iba,” diin pa ni Cai.

 

 

Thankful si Cai sa kaibigan na si Kakai Bautista dahil sa suporta na binigay nito nung magdesisyon siyang iwan ang tatay ng mga anak niya.

 

 

“Isa si Kakai sa mga nagturo sa akin kung gaano ako ka-special bilang tao. She was a stepping stone in realizing na hindi dapat ako pumapayag na mabastos, ma-disrespect. And kaya kong tumayo sa sarili kong paa.

 

 

“Ang babae kasi mapagtiis eh. For the peace tatahimik ka, so akala nila okay lang ‘yon. But no. Itinuro niya (Kakai) sa akin na kailangan mong magsalita, kailangan mong ipaglaban ang sarili mo para sa mga anak mo,” ayon pa kay Cai.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • ‘Hinahanap ni Duerte na next PhilHealth chief, magaling sa ‘legal at accounting’

    Posibleng may bago na umanong PhilHealth president at chief executive officer ngayong linggo.   Ito ang kinumpirma ni Health Secretary Francisco Duque III. Ayon kay Duque, sa ngayon ay puspusan na ang paghahanap daw ng Pangulong Rodrigo Duterte sa ipapalit sa nag-resign na Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) president at CEO Ricardo Morales. Sinabi pa […]

  • JANNO, may naka-relasyon na tomboy at may nagyaya na makipag-threesome; Direk DARRYL, na-intimidate sa tatlong stars

    AMINADO ang singer/comedian at TV host na si Janno Gibbs na may kakaibang nerbiyos ang naramdaman nang i-offer sa kanyang ng Viva Films ang 69+1, ang kakaibang sex-comedy film na never pa niyang nagawa sa buong movie career.     Kahit nga hindi siya ang original choice sa gumanap na Apol na isang photographer, siya […]

  • 62.69 MW ng kuryente, natipid ng Pinas sa Earth Hour 2023

    UMABOT sa kabuuang 62.69 megawatts (MW) ng kuryente ang natipid ng Pilipinas sa idinaos na Earth Hour 2023 noong Sabado.     Ayon sa Department of Energy (DOE), ang pinakamalaking electricity savings sa naturang one-hour switch-off ay naitala sa Luzon, na nakatipid ng 33.29 MW.     Sinundan ito ng Min­danao na may 20.5 MW […]