• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

GROUP TOUR, BIKTIMA NG HUMAN TRAFFICKING

NASABAT ng  ahente ng Bureau of Immigration (BI)  sa Mactan-Cebu International Airport ang labing-isa na indibidwal na hinihinalang biktima ng human trafficking biyaheng Dubai, UAE noong June 21, 2023.

 

 

Kabilang dito ang pitong babae a6 apat na lalaki na pinagdududahan sa initial inspection  ng primary Inspector kaya ipinasa sila sa Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) for further investigation.

 

 

Sinabi ni Christabel O. Cuizon,  Supervisor ng MCIA TCEU, na pagdudahan ang dahilan ng kanilang biyehe, kung saan ilan sa kanilang miyembro ay offloaded  at hawak nila ang kanilang employment visas dahilan upang i-turn over sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) Task Force sa  Cebu.

 

 

“We salute the hard work and dedication of our officers at the port.” Ayon kay BI Chief Norman Tansingco. GENE ADSUARA

Other News
  • Ads June 12, 2020

  • Mga tinaguriang “new poor” na nalilikha ng epekto ng pandemya, maaaring manggaling sa mga OFW at nasa industriya ng turismo-Malakanyang

    PARA sa Malakanyang, ang turismo at mga OFW ang sektor na pinakamatinding tinamaan ng pandemya dito sa bansa.   Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, posibleng magmula sa nasabing sektor ang sinasabi ng World Bank na tinaguriang new poor o ang mga dati nang nakabangon sa kahirapan at maaaring muling magbalik sa kahirapan dahil sa […]

  • Team Pacquiao, wagi sa MPBL All-Star 2020 3×3

    HINATID ni Alvin Pasaol ang krusyal na puntos sa Team Pacquiao para mahakbangan ang Team Paras, 21-15, at pamayagpagan ang 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League All-Star 2020 3×3 nitong Huwebes sa SM Mall of Asia Arena, Pasay.   Nagbaon si Pasaol nang mahalagang may walong puntos at iuwi ng kaniyang koponan ang trophy kasama ang […]