• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga tinaguriang “new poor” na nalilikha ng epekto ng pandemya, maaaring manggaling sa mga OFW at nasa industriya ng turismo-Malakanyang

PARA sa Malakanyang, ang turismo at mga OFW ang sektor na pinakamatinding tinamaan ng pandemya dito sa bansa.

 

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, posibleng magmula sa nasabing sektor ang sinasabi ng World Bank na tinaguriang new poor o ang mga dati nang nakabangon sa kahirapan at maaaring muling magbalik sa kahirapan dahil sa COVID-19 shock.

 

Nakalulungkot ani Sec. Roque ang nabanggit na katotohanan subalit pilit naman aniyang gumagawa ng paraan ang pamahalaan para agapan ang lalo pang pagkakalugmok ng mga nasa turismo at mga kababayan nating nagtatrabaho sa ibang bansa.

 

Sa katunayan, isa na aniya rito ang paraan na unti-unting pagbubukas ng turismo gaya ng pagbubukas na uli ng isla ng Boracay at siyudad ng Baguio simula ngayong araw na ito.

 

Bukod pa sa nandiyan din ang TESDA, Agriculture Department at DTI na hindi lang nagpapautang sa mga OFWs na napauwi kundi nagbibigay din ng suporta sinusuportahan din po natin sila na para magkaroon ng alternatibong hanapbuhay. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Nag-react nang ikumpara kay Ruffa: POKWANG, ‘di matatahimik hanggang nasa ‘Pinas pa si LEE

    HINDI pa rin matatahimik ang Kapuso aktres na si Pokwang hanggang nasa Pilipinas pa ang ama ng anak niya na si Lee O’Brian.   Kahit na may desisyon na at inatasan na ng korte na lisanin na ni Lee Ang Pilipinas, still nasa bansa pa rin ang foreigner. Kaya nga ganun na lang ang galit […]

  • Yulo pasok sa finals ng men’s vault sa Tokyo Olympics

    Hindi pa tapos ang laban para sa lone world champion gymnast ng Pilipinas na si Carlos Yulo kahit pa bigo siyang makakuha ng final spot sa floor exercise event.     Pasok pa rin kasi si Yulo sa finals sa men’s vault event ng men’s artistic gymnastics.     Ito ay kasunod na rin ng […]

  • Malaking Chinese firm, nag-commit ng mas maraming investments sa Pinas kasunod ng pagbisita ni PBBM sa China

    NAG-commit ang isang  Chinese construction firm ng mas maraming  investment sa PIlipinas partikular na sa pamamagitan ng  public-private partnership (PPP).     Kasunod ito ng ginawang pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa China nito lamang unang bahagi ng buwang kasalukuyan.     Sa naging courtesy call sa Pangulo, araw ng Lunes,  ipinanukala ng China […]