• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Di pagpunta ni Yen sa premiere night ginawan ng isyu: PAOLO, ‘di na kailangang ipangalandakan ang personal nilang buhay

NAG-LAST shooting day na pala ang BarDa love team nina Barbie Forteza at David Licauco ng kanilang first movie-team-up, ang “That Kind of Love.” 

 

 

Sinurpresa sila ng kanilang mga official fan groups, na nag-set ng isang car na ang trunk ay pinuno nila ng purple and silver balloons, streamers ant printed photos ng mga idolo nila.

 

 

Pinost naman ito ng Sparkle GMA Artist Center, matapos bigyan din nila sina Barbie at David ng bouquets and cake.

 

 

Matatandaan na umalis sina  Barbie at David for South Korea para mag-shoot ng mga eksena nila for “That Kind of Love,” matapos ang top-rating historical fantasy portal series nilang “Maria Clara at Ibarra” with Dennis Trillo and Julie Anne San Jose, na tumanggap din ng iba’t ibang awards here and abroad.

 

 

Bago rin sila nag-shoot ng movie, they also worked together for Ben&Ben’s “The Way You Look at Me” music video and a three Sunday’s episodes ng “Daig Kayo Ng Lola Ko,” for GMA-7.

 

 

Nag-enjoy ang magka-love team sa South Korean shoot nila, dahil nakapunta sila sa mga lugar doon na madalas ay nakikita natin sa mga Korean dramas na ipinalalabas dito sa bansa natin.  In-enjoy din nila ang Korean food na mga paborito ni Barbie.

 

 

Ngayong tapos nang mag-shooting ang BarDa loveteam, ready na silang simulan ang taping ng isang teleserye na magtatampok sa kanilang dalawa for GMA Telebabad.

 

 

***

 

LALONG naging controversial si Kapuso actor at “Eat Bulaga”  host Paolo Contis, na sunud-sunod din ang projects, the latest nga ay ang movie niyang “Ang Pangarap Kong Oskars,” nang hindi sumipot sa premiere night at celebrity screening ng movie ang girlfriend niyang si Yen Santos.  Bakit daw hindi sinuportahan ni Yen si Paulo, o totoo bang break na sila, dahil question din sa kanila na hindi nagpo-post sa socmed ang celebrity couple.

 

 

Kaya sinagot na ito ni Paulo, na hindi nila kailangang ipangalandakan pa kung ano ang nangyayari sa personal nilang buhay, para lang ipakitang sweet sila sa isa’t isa.

 

 

Dagdag pa ni Paulo, “I will never put her in that position.”

 

 

At sa tanong kung may possibility ba na umabot sa kasalan ang kanilang relasyon, sagot ni Paolo: “Eventually, pupunta naman dun, pero marami pa akong dapat ayusin.  Oo naman, bakit hindi!”

 

 

Sa kabila raw ng pagiging busy ni Paolo, napaglalaanan din naman niya ng oras si Yen.  Meanwhile, very soon ay malamang daw mag-tape muna si Paolo ng segment niya sa “Eat Bulaga,” dahil paalis siya for a movie shoot abroad.

 

 

***

 

MARAMING nagsasabi na healthy competition daw ng mga noontime shows simula ngayong Saturday, July 1, na sabay-sabay mapapanood ang “Eat Bulaga” ng TAPE, Inc. sa GMA-7, ang “It’s Showtime” na nag-sign-up na with GTV na under din ng GMA, at ang “TVJ at Dabarkads” sa TV5, at 11:30 am to 2:30 pm.

 

 

Natanong dito si Kuya Kim (Atienza) na dating co-host ng “It’s Showtime,” pero ngayon ay nasa GMA Network na rin siya?

 

 

“I’m happy for them. @itshowtimena will always be family regardless of stations.  Life is like that.  Nothing is permanent.  Lahat ay makikinabang sa development na ito.  There’s a space for everyone.

 

 

“The more shows on free TV, the more options for people to watch.  I’m happy for @itsshowtimena and for my station @gtvphilippines.  It’s a win for both.”

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Pamilya ng mga drug war victims: Duterte dapat managot

    NAGTIPON ang pamilya ng mga biktima ng madugong “drug war” ni dating Pangulong Rodrigo ­Duterte nitong Linggo upang gunitain ang ika-walong ­anibersaryo nang pag ala-ala sa kanilang mga namatay na kamag-anak.     Ginawa ang pagtitipon sa Siena College Chapel kung saan nanawagan sila na dapat managot si Duterte ang iba pang sangkot sa pagkamatay […]

  • PBBM inatasan ang kaniyang economic team tugunan ang ‘red tape’ sa gobyerno

    INATASAN  ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kaniyang economic team na tugunan ang red tape sa pamahalaan.     Sinabi ng Pangulo na imbes na red tape, dapat na bigyan ng red carpet ang mga nais mamuhunan sa bansa maging foreign o local investors ang mga ito.     Inihayag ng Presidente na magiging trabaho […]

  • GENEVA, na-trigger kaya pinatulan ang basher na tinawag siyang ‘pangit’; ‘di talaga pinatawad kahit nagluluksa

    KAHIT nagluluksa pa si Geneva Cruz dahil sa pagpanaw ng ina na si Marilyn Mendoza Cruz na ‘di nakaligtas sa Covid-19, minabuti pa rin niyang bumalik na sa Your Face Sounds Fimiliar.     Muli ngang napanood si Geneva last Sunday sa YFSF na kung saan ginaya niya si Toni Braxton.  Sabi nga ng host […]