Gagawin ang lahat para walang maiwang gutom at mayroong magandang kalidad ng buhay
- Published on July 4, 2023
- by @peoplesbalita
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga mamamayang Filipino na gagawin ng kanyang administrasyon ang lahat upang walang maiwan kahit na isang nagugutom at ine-enjoy ng lahat ang kanilang mas maayos na kalidad ng buhay.
Sa naging talumpati ng Pangulo sa pagdiriwang ng ika-56 founding anniversary ng lalawigan ng Davao del Sur, sinabi nito na ang pagbibigay ng “best services” sa mga mamamayang Filipino ay kanyang paraan para ipaabot ang kanyang pasasalamat para sa tiwala at kumpiyansa sa kanyang administrasyon.
“With the local government focusing on all aspects of your daily life that we have identified in the national agenda, we can look forward to a boost in local businesses, improved daily transactions, and an overall better quality of life,” ayon sa Pangulo.
Isa sa mga programa ng gobyero para bawasan ang pagkagutom at kahirapan sa mga pamilyang nabibilang sa “lowest income bracket ay ang “food stamp” program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sa isinagawang first en banc meeting ng National Anti-Poverty Commission (NAPC) sa Palasyo ng Malakanyang, ipinag-utos ng Pangulo sa mga ahensiya ng pamahalaan na gamitin ang whole-of-government approach para labanan ang long-standing problem ng kahirapan sa Pilipinas.
Tiniyak naman ng Pangulo sa mga mamamayan ang buong suporta ng gobyerno upang masiguro ang tagumpay ng kanilang inisyatiba “and the success of the people and of the province of Davao del Sur.”
“Muli, uulitin ko ang aking pagpasalamat sa inyong suporta at tulong at pag-alala sa nakaraan,” ayon sa Pangulo.
“Huwag sana po kayong magsawa at kami naman ang aming isusukli sa inyong pagmamahal ay ang aming pawis na hindi mauubos hangga’t masasabi natin tapos na ang trabaho, hangga’t masasabi natin wala ng gutom na Pilipino,” dagdag na wika nito.
Samantala, binigyang diin ng Punong Ehekutibo na walang hanggan ang kanyang pasasalamat sa mga residente ng Davao del Sur para sa patuloy na pagmamahal at suporta ng mga ito sa kanya lalo na noong panahon ng May 2022 presidential elections.
Inulit naman ng Pangulo ang kanyang panawagan na pagkakaisa. (Daris Jose)
-
Pinoy na walang trabaho sumirit sa 2-M sa paglobo ng inflation rate
LUMOBO sa 3.9% ang unemployment rate sa Pilipinas nitong Marso matapos ang panandaliang pagbaba noong Pebrero, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong Miyerkules. Umabot na kasi sa dalawang milyon ang walang trabaho sa Pilipinas, ayon sa March 2024 Labor Force Survey na inilathala ng PSA ngayong Miyerkules. Mas mataas ito kaysa sa unemployment rate […]
-
FILIPINA NA BIKTIMA NG TRAFFICKING, PINIGIL SA NAIA
NASABAT ng Bureau of Immigration ang isang Filipina na biktima ng illegal recruitment scheme sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3. Ayon sa babaeng di pinangalanan, ni-recruit siya ng isang babae na kanyang nakilala sa isang bar may tatlong buwan na ang nakakaraan. Una nitong sinabi na biyaheng Hongkong siya […]
-
Kabayanihan ng SAF44 inalala sa paggunita ng Nat’l Day of Remembrance
Ginugunita kahapon January 25, ang araw ng National Day of Remembrance para sa mga bayaning SAF44, inalala din ng Philippine National Police (PNP) ang kabayanihan ng mga nasawing police commando sa madugong enkwentro laban sa MILF nuong January 25,2015 sa Barangay Tukanalipao,Mamasapo,Maguindanao. Target ng nasabing operasyon na tinwag na Oplan Exodus ang International […]