Kabayanihan ng SAF44 inalala sa paggunita ng Nat’l Day of Remembrance
- Published on January 26, 2021
- by @peoplesbalita
Ginugunita kahapon January 25, ang araw ng National Day of Remembrance para sa mga bayaning SAF44, inalala din ng Philippine National Police (PNP) ang kabayanihan ng mga nasawing police commando sa madugong enkwentro laban sa MILF nuong January 25,2015 sa Barangay Tukanalipao,Mamasapo,Maguindanao.
Target ng nasabing operasyon na tinwag na Oplan Exodus ang International Terrorists at bomb maker na si Zulkifli Bin Hir alias Marwan at Basit Usman.
Napatay ng mga SAF troopers ang most wanted international terrorists na si Marwan pero ang kapalit nito ay ang 44 na buhay din ng SAF troopers.
Pinangunahan ni PNP Chief P/Gen. Debold Sinas, DPWH Sec Mark Villar at NCRPO Chief BGen. Vicente Danao ang pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ng Gallant 44.
Maliban kay Sinas, nag alay din ng bulaklak sina NCRPO Dir. P/MGen. Vicente Danao Jr, SAF Dir. P/BGen. Bernabe Balba, DPWH Sec. Mark Villar at ang kapatid ng nasawing SAF Commando Cpl. Romeo Cempron na si Richard.
Nagpaabot naman ng kaniyang pasasalamat si Ginang Rocelle Nacino, biyuda ni P/Cpl. Nicky Nacino sa ngalan ng mga naulilang pamilya ng SAF 44 sa patuloy na suporta na ibinibigay ng gobyerno para sa kanila.
Ayon naman kay PNP SAF Director, MGen. Bernabe Balba, ang kabayanihan ng Gallant SAF44 ay mananatili at magsisilbing inspirasyon sa mga future generations.
Ang paggunita sa National Day of Remembrance para sa SAF44 ay batay sa inilabas na Presidential Proclamation ni Pang. Duterte nuong 2017 para i commemorate ang gallantry and bravery ng SAF44.
” Hanggang ngayon pinatutupad at ginagawa pa rin ibig sabihin hindi po nawawala ang tapang at saka yung dedication ng SAF natin yung SAF44 kasi yun yung nagpapakita talaga sila ng tapang nila courage at gallantry in combat, so ito po ang nagpapatunay na yung SAF po ninyo ay laging handang bumuwis ng buhay para sa kalayaan ng bayan natin,” pahayag ni Gen. Sinas.
-
McGregor talo na naman nabalian pa sa ankle sa 3rd fight kay Pornier
Lumasap na naman ng talo ang kontrobersiyal na si Conor McGregor sa kamay ng kanyang karibal na si Dustin Poirier sa pamamagitan ng TKO sa UFC 264. Nangyari ito sa first round lamang ng ikatlong nilang fight na ginanap sa T-Mobile Arena sa Las Vegas. Ang dalawang ay long time rival […]
-
Ugnayan ng Pinas-Saudi , pinagtibay nina PBBM at Saudi Foreign Minister
MULING pinagtibay nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Prince Faisal bin Farhan Al Saud, Minister of Foreign Affairs ng Saudi Arabia ang ugnayan ng Pilipinas at Saudi Arabia. Mainit na tinanggap ng Pangulo si Prince Faisal sa Malakanyang nang mag-courtesy call ang huli. Naka-upload sa official Facebook page ng State-run Radio […]
-
MAG LIVE-IN PARTNER SINAKSAK NG KAPITBAHAY SA MALABON
MALUBHANG nasugatan ang 54-anyos na vendor habang nagtamo naman ng maliit na sugat ang kanyang ka-live-in matapos pasukin at saksakin ng kapitbahay sa Malabon City, kamakalawa ng hapon. Ginagamot sa Valenzuela Medical Center sanhi ng tinamong saksak sa likod ang biktimang si Nelson Rama ng No. 56 East Riverside, Brgy. Potrero. […]