• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM tiniyak ang mas maayos at modernong transportasyon sa bansa

SINIGURO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa sambayanang Pilipino ang mas maayos at modernong transportasyon at ginagawa ng kaniyang administrasyon ang mga nararapat na hakbang upang makamit ang layuning ito.

 

 

Ginawa ng Pangulo ang pahayag ng dumalo ito sa paglagda ng loan agreement para sa Davao Public Transport Modernization Project (DPTMP) kahapon sa Davao City.

 

 

Ayon sa chief executive ang mga proyektong kagaya ng DPTMP ay magbibigay daan sa modernisasyon ng transportasyon at paglago ng ekonomiya sa bansa.

 

 

Ang DPTMP ay isang integrated network na binubuo ng 29 na ruta na magkokonekta sa mga pangunahing commercial center ng Davao City.

 

 

Samantala, pinasinayaan din ng Pangulong Marcos Jr. ang pagbubukas ng Davao City Coastal Bypass Road (DCCBR) Segment A kasama si Vice President at Education Secretary Sara Duterte at iba pang kawani ng gobyerno.

Other News
  • Belmonte, Sotto naghain ng reelection bid sa pagka-mayor, bise ng QC

    Isang termino pa ang inaasam ngayon ng kasalukuyang alkalde’t bise alkalde ng Lungsod ng Quezon matapos nilang maghain ng kanilang kandidatura sa susunod na eleksyon sa darating na taon.     Ika-5 ng Oktubre, Martes, nang maghain ng kanilang certificates of candidacy (COC) sina incumbent QC Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto para […]

  • Contingency plan sa El Niño, gawin – Sen. Win

    NANAWAGAN si Sen. Win Gatchalian sa Department of Energy (DOE) na gumawa ng mga contingency plan ngayong painit nang painit ang panahon para matiyak ang tuluy-tuloy na suplay ng kuryente sa gitna ng El Niño phenomenon.     Ayon sa PAGASA, inaasahang mararanasan ng bansa ang rurok ng El Niño ngayong summer season.     […]

  • May bagong serye at show na iho-host: ALDEN, makatatambal ang isa pang JULIA sa movie sana nila ni BEA

    NAPANSIN ng netizens, ang pagsama nina Jose Manalo, Paulo Ballesteros, Wally Bayola, Allan K, Ryan Agoncillo at Maine Mendoza sa pagpapaalam nina Tito Sen, Vic Sotto at Joey de Leon sa “Eat Bulaga.”      Nag-paid tribute naman si Alden Richards, na isa rin sa host ng noontime show, sa pamamagitan ng Facebook caption niya […]