LTFRB magbubukas ng 3 bagong ruta
- Published on July 4, 2023
- by @peoplesbalita
MAGBUBUKAS ng tatlong bagong ruta ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) dahil sa napipintong paghinto ng operasyon ng serbisyo ng Philippine National Railways (PNR).
Ang mga sumusunod na bagong ruta ay ang FTI-Divisoria via East Service Road, Alabang (Starmall) – Divisoria via South Luzon Expressway para sa mga public utility buses (PUBs), at Malabon-Divisoria para sa mga Modern Public Utility Jeepneys (MPUJ).
Ayon sa LTFRB ay may 30 PUBs ang inaasahang tatakbo sa rutang FTI-Divisoria at 25 units sa rutang Alabang (Starmall) – Divisoria.
Habang may 5 units ng MPUJ ang tatakbo sa rutang Malabon-Divisoria na maaari pang mabago ang bilang depende sa bilang mga pasahero.
“The effect of the closure of these select PNR stations on commuters will be quite substantial, so through these PUV routes, we hope to lessen the impact of the closure. We appreciate the help of the PNR in identifying the routes, and we know that once the NSCR is completed, its benefits will be truly worth in terms of passenger mobility along our railways, which is regarded as one of the most convenient and affordable modes of public transportation in the country,” wika ni LTFRB chairman Teofilo Guadiz III.
Dagdag ni Guadiz na ang pagpili sa mga operators sa mga bagong bukas na ruta ay nasa ilalim ng “Consolidated Guidelines on the Process of Issuance of Certificate of Public Convenience and Provisional Authority/ Special Permit Under the Omnibus Franchising Guidelines and Public Utility Vehicle Modernization Program” ng pamahalaan.
Kinakailangan lamang na ang mga units na tatakbo sa mga bagong ruta ay hindi na tataas sa 5 taon na dapat ay nakalagay sa Certificate of Registration ng Land Transportation Office (LTO). Dapat din ay may special permit ang mga units na valid lamang ng 1 taon na puwedeng magkaron ng renewal kada taon hanggang ang North-South Commuter Railway (NSCR) ay fully operational na.
Ayon din sa LTFRB na ang existing pamasahe sa mga PUBs na pinayagan ng LTFRB ang siyang ipatutupad sa mga nasabing bagong ruta.
Halos 5 taon na sususpendidhin ng PNR ang operasyon ng serbisyo nito upang bigyan daan at ng maging mabilis ang pagtatayo ng proyektong NSCR.
Ang rutang Alabang-Calamba ng PNR ay suspendido na simula kahapon, July 2 upang bigyan daan ang NSCR. LASACMAR
-
Ban sa nursing programs, maaaring ‘selectively lifted’- CHED
TARGET ng Commission on Higher Education (CHED) na ikasa ang “strategic and selective lifting” ng moratorium para sa bagong nursing programs. Sinabi ni CHED Chairperson Prospero “Popoy” De Vera III na gumagawa na ng bagong poliisya ang Technical Panel on Nursing ng CHED na ipalalabas sa lalong madaling panahon. “CHED is […]
-
DOJ buo ang tiwala sa NBI kaugnay inihaing laban kay Teves
BUO ang tiwala ng Department of Justice sa National Bureau of Investigation kaugnay ng inihaing patong patong na reklamong murder, frustrated murder at attempted murder kay suspended Negros Oriental 3rd District representative Arnolfo Teves Jr. Ayon Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, dalawang buwan itong pinag-aralan ng National Bureau of Investigation kaya naman raw […]
-
Panibagong taas-presyo ng sardinas at noodles, inalmahan ng Gabriela Partylist
INALMAHAN ng Gabriela Partylist ang panibagong taas-presyo ng sardinas at instant noodles na inaprubahan ng Department of Trade and Industry (DTI) sa gitna ng lumalalang kagutuman at krisis. Batay sa ulat, aprubado ang 3%- 6% na taas-presyo sa 67 na batayang bilihin at maaari pang umabot sa 10% ang taas-presyo batay sa iba […]