59 gamot sa cancer, altapresyon, diabetes, TB, kidney disease wala ng VAT–BIR
- Published on July 5, 2023
- by @peoplesbalita
WALA ng kokolektahing Value Added Tax (VAT) ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa 59 gamot para sa sakit na Cancer, Hypertension, High Cholesterol, Diabetes, Mental Illness, Tuberculosis at Kidney Disease.
Ito ay batay sa ipinalabas na kautusan ni Bureau of Internal Revenue Commissioner Romeo D. Lumagui Jr. sa ilalim ng Memorandum Circular 72-2023 na nagsasaad ng exemption sa VAT sa ilang gamot sa naturang mga karamdaman.
Ang hakbang ay alinsunod naman sa talaan ng VAT-Exempt Products sa ilalim ng Republic Act No. 10963 (TRAIN Law) at RA 11534 (CREATE Act).
Sinabi ni Lumagui na ang hakbang ay magpapagaan sa gastusin ng mga mamamayan na mayroong naturang mga sakit.
Ipinagmalaki ni Lumagui na ang BIR ay isang ahensiya ng pamahalaan na hindi goal-oriented pero service-oriented. (Ara Romero)
-
Health workers group nanawagan sa DOH na ilabas na HEA
MAINGAY ang panawagan ng ilang grupo ng mga health workers para ilabas na ng Department of Health ang kabayaran sa mga health emergency allowances (HEA) ng healthworkers sa bansa. Matatandaang noong mga nakaraang buwan ay kabi-kabilang rally ang isinasagawa ng mga grupo ng mga healthworkers upang mabayaran na sila ng DOH sa ilang buwan […]
-
DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 51) Story by Geraldine Monzon
NANG UMALIS sina Jeff at Bela sakay ng motor, napansin ng huli na may kotseng sumusunod sa kanila. Nakumpirma nila ito nang lumiko sila sa isang kanto at sumunod pa rin ito. Pinaharurot ni Jeff ang motor. Napatili naman si Bela nang bigla na lang silang paulanan ng bala ng humahabol sa kanila. “EEEEEE!” […]
-
Gibo, nangako na bibigyan ng ‘best of care’ ang mga war veterans
DAPAT na bigyan ng tamang pangangalaga “to the best way possible” ang mga war veterans bilang tanda ng pasasalamat para sa kanilang serbisyo sa bansa. “One of the essential tasks or jobs of the Secretary of National Defense is to ensure the welfare of our veterans. This is what the President [Ferdinand Marcos […]