• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Utang ng gobyerno ng PH, lumobo sa P14.10T noong Mayo – Bureau of Treasury

LUMOBO sa ₱14.10 trillion ang kabuuang utang ng pamahalaan sa pagtatapos ng Mayo ngayong taon ayon sa Bureau of the Treasury.

 

 

Ang halaga ay tumaas ng 1.3% o ₱185.40 bilyon mula sa nakaraang buwan dahil sa net issuance ng panloob at panlabas na utang gayundin ang pagbaba ng halaga ng piso kontra sa US dollar.

 

 

Karamihan sa utang o 68% ay galing sa panloob na utang ng bansa, habang 32% ay mga panlabas na utang.

 

 

Ang panloob na utang ng bansa ay tumaas sa ₱9.59 trillion na mas mataas ng 1.4% o ₱130.67 billion kumpara sa naitala noong pagtatapos ng Abril. Ang pagtaas sa domestic debt ay dahil sa net issuance ng government securities kasama ng paghina ng halaga ng peso laban sa greenback.

 

 

Samantala, ang panlabas namang utang ng bansa ay umabot sa ₱4.51 trillion, tumaas ito ng 1.2% o ₱54.73 billion mula sa nakaraang buwan. (ARA ROMERO)

Other News
  • PBBM, nakukulangan sa mga benepisyo ng mga nars sa bansa

    NAKUKULANGAN  si Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. sa mga benepisyo na ipinagkakaloob sa mga nurses o nars sa bansa lalo pa’t iba ang ibinibigay na serbisyo at sakripisyo ng mga ito matiyak lamang ang kaligtasan ng publiko.     Sa naging talumpati ng Pangulo sa 100th anniversary celebration ng Philippine Nurses Association, sinabi ni Pangulong Marcos […]

  • Hidilyn Diaz swak sa PSA Hall of Fame

    WALANG  duda na ka­ra­pat-dapat na mailuklok sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Hall of Fame si weightlifter Hidilyn Diaz na kauna-unahang Pi­noy athlete na nakasungkit ng gintong medalya sa Olympics. Pormal nang iluluklok si Diaz sa San Miguel Cor­poration-PSA Awards Night na idaraos sa Enero 27 sa Manila Hotel. Hindi malilimutan ang ta­gumpay ni Diaz nang ma­ibulsa […]

  • Vape masama sa kalusugan – DOH

    PINAG-IINGAT ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa masamang epekto sa kalusugan ng electronic cigarettes (e-cigarettes) at iba pang vape pro­ducts.       Ang babala ay ginawa ng DOH matapos na lumitaw sa isang medical case report na idinukomento ni Dr. Margarita Isabel C. Fernandez at nalathala sa journal Respirology Case Reports, […]