Ilang player ng PBA balik Gilas Pilipinas – Marcial
- Published on December 23, 2020
- by @peoplesbalita
BALIK ang mga manlalaro ng Philippine Basketball Association (PBA) upang kumampanya sa national colors sa 2021 International Basketball Federation (FIBA) Asia Cup Qualifiers 2021 sa darating na Pebrero 18-22.
Final window na ng Qualifiers ang event na itataguyod ng ng Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. ang mga laro sa Group A, na Bubble-style rin ang mga laro sa Clark, Angeles City.
Nagtagumpay ang PBA bubble sa Pampanga, nakumpleto nang walang aberya ang 45th Philippine Cup 2020 na pinagkampeonan ng Barangay Ginebra San Miguel noong Oktubre 5-Disyembre 9.
Pinarating na sa PBA ni SBPI president Alfredo Panlilio ang muling paghiram ulit ng players sa propesyonal na liga.
Bukod sa limang nasa Gilas pool, puro collegiate players o mga bagong graduate ang bumuo sa Philippine quintet na inilaban sa huling window sa Bahrain nitong Nobyembre kung saan winalis ang Thailand sa dalawang laro.
“Nagsabi na si (SBP) president Al fredo Panlilio kung puwedeng gumamit ng PBA players,” pahayag Biyernes niPBA commissioner Wilfrido Marcial. “Pinapayagan naman, kaya inusog na namin ‘yung PH Cup opening sa April 9.”
Kabilang sa mga nag-Gilas sa first round nitong Peb. 23 sa Jakarta laban sapinulbos na Indonesia sina Christian Jaymar Perez, Roger Ray Pogoy , Justin Chua, Kiefer Isaac Ravena, John Paul Erram, Abu Tratter, at Jeth Troy Rosario. (REC)
-
Marcos sa political dynasties: ‘Kung gusto maglingkod, hindi mapipigilan’
KAHIT BAWAL sa Article II Section 26 ng 1987 Constitution ang political dynasties, ipinipilit ni presidential bet Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi dapat pigilan ang sinumang gustong pumasok sa serbisyo publiko — pwede naman daw kasi mawala ang political clans kung ‘di na iboboto ng tao. “You cannot stop people from wanting […]
-
Astrazeneca ‘mabenta’
Kanya-kanyang pareserba ang iba’t ibang local goverment units (LGUs) sa Metro Manila ng COVID-19 vaccine mula sa pharmaceutical giant na AstraZeneca buhat sa United Kingdom para sa kanilang mga constituents. Nagkakahalaga ang mga Ito ng mula sa multi-milyon hanggang sa bilyong piso kumporme sa budget ng mga lungsod. Ang Maynila ay bibili ng […]
-
JANINE at JC, relate na relate sa pinagdaanan ng characters nila sa ‘Dito at Doon’
TIYAK na marami ang makaka-relate sa napapanahong pelikula ng TBA Studios na pinagbibidahan nina Janine Gutierrez at JC Santos, ang Dito At Doon na mula sa mahusay na direksyon ni JP Habac. Sa pamamagitan ng online press screening, isa kami sa unang nakapanood ng lockdown movie na mula sa panulat nina Alexandra Gonzales […]