Pasahe sa MRT 3 nakaambang tumaas
- Published on July 7, 2023
- by @peoplesbalita
NAKAAMBANG na tumaas ang pamasahe sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) kapag pinayagan ang muling inihain na petisyon sa Department of Transportation (DOTr).
Ayon sa pamunuan ng MRT3 ay kanilang gagamitin ang karagdagang pasahe sa pagpapalakas ng kapital para sa operasyon at pagmimintahi ng nasabing railway. Inihain ang petisyon sa Rail Regulatory Unit ng DOTr noong nakaraang linggo.
“MRT 3 management made another push to increase train fares after its previous petition was denied due to its failure to issue a public notice on time,” wika ni DOTr undersecretary Cesar Chavez.
Sinabi naman ni DOTr assistant secretary Jorjette Aquino na ang MRT 3 ay humihingi ng katulad ng taas pasahe na inaprobahan ng DOTR noong nakaraang April para sa Light Rail Transit Lines 1& 2.
Ang hinihingi ng MRT 3 ay maging P13.29 ang boarding fare mula sa dating P11 habang ang distance fare naman ay P1.21 mula sa dating P1 kada kilometro.
Kapag naaprobahan, ang minimum na pasahe para sa MRT 3 ay tataas mula P13 hanggang P16 habang ang maximum na pasahe ay tataas ng hanggang P34 mula sa dating P28. May walong taon na ang nakakaraan ng huling magtaas ng pamasahe ang MRT 3.
Dahil sa subsidy ng pamahalaan, ang isang pasahero ay nagbabayad lamang ng P30 na dapat sana ay P178 mula Recto hanggang Antipolo para sa LRT 2 kung kayat lumalabas na ang subsidy ay P148 kapag dulo sa dulo.
Sisimulan ang pagtataas ng pamasahe sa LRT Lines 1 & 2 sa darating na August 2023 kung saan gagamitin din ang karagdagang pamasahe sa pagpapalakas ng operasyon at pagmimintahi ng nasabing dalawang railways. LASACMAR
-
Holistic anti-illegal drugs program ng gobyerno na BIDA, inilunsad
OPISYAL nang inilunsad ng gobyerno ang anti-illegal drugs advocacy program na tinawag na Buhay Ay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA). Inilarawan ito bilang “pinaigting at mas holistic campaign.” “The BIDA program will involve local government units, national government agencies, and other key sectors of society aside from drug enforcement agencies including the […]
-
Azkals, handang-handa para sa AFF Suzuki Cup
Tiniyak ng Philippine Azkals na patuloy pa rin ang kanilang paghahanda para sa 2020 AFF Suzuki Cup. Ito ang pagtitiyak ni Azkals team manager Dan Palami kahit na aminado itong naapektuhan sila sa coronavirus pandemic. Sinabi nito na base sa kaniyang pakikipag-usap sa mga manlalaro ay nakatuon pa rin sa isip nila ang manalo sa […]
-
Halos 400 million na mga bata sa buong mundo, dumaranas ng maranas na pagdidisiplina – UNICEF
Dumaranas umano ng marahas na pagdidisiplina sa kanilang mga tahanan ang halos 400 milyong mga bata sa buong mundo, batay sa isinagawang pag-aaral ng UN Children’s Fund (UNICEF). Ang mga naturang bata ay may edad 5 pababa kung saan natukoy na dumaranas sila ng pangmamaltrato, physical at psychological discipline katulad ng […]