Azkals, handang-handa para sa AFF Suzuki Cup
- Published on July 13, 2020
- by @peoplesbalita
Tiniyak ng Philippine Azkals na patuloy pa rin ang kanilang paghahanda para sa 2020 AFF Suzuki Cup.
Ito ang pagtitiyak ni Azkals team manager Dan Palami kahit na aminado itong naapektuhan sila sa coronavirus pandemic.
Sinabi nito na base sa kaniyang pakikipag-usap sa mga manlalaro ay nakatuon pa rin sa isip nila ang manalo sa kumpetisyon.
Ilan lamang sa naging problema nila ay ang kakulangan ng mga lugar ng pag-eensayo dahil sa paghihigpit na ipinatupad ng gobyerno.
Umaasa rin sila na payagan na sila ng gobyerno na makapagsanay agad para sa paghahanda sa Suzuki Cup na gaganpin mula Nobyembre 23 hanggang Disyembre 31.
Hindi rin aniya napuputol ang pakikpag-ugnayan ng kanilang coach na si Scott Cooper sa mga manlalaro gamit ang makabagong teknolohiya ay nakakausap niya ang mga ito halos araw-araw.
Magugunitang itinakda sa Agosto ang draw ng Suzuki Cup sa Vietnam.
-
Pagkuha ng booster shots iligal – Sec. Galvez
Muling binigyang-diin ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer at vaccine czar Secretary Carlito G. Galvez, Jr. na iligal at mahigpit na ipinagbabawal ang pagkuha ng booster shots sa bansa gamit ang Covid-19 vaccines na binili ng national government lalo na at nasa 10 percent pa lamang sa buong populasyon ng Pilipinas ang fully […]
-
After nang nagawang dramatic scenes at pagpapa-sexy: CINDY, masaya dahil natupad ang wish na makapag-action sa 10-part series na ‘Iskandalo’
MASAYA ang former beauty queen na si Cindy Miranda dahil sa 10-part Vivamax Original series na Iskandalo natupad ang isa sa pangarap na niya na makapag-action. Napatunayan niya na kayang maitawid nang maayos ang mga dramatic scenes bukod pa sa ginawa niyang pagpapa-sexy. Gumaganap kasi si Cindy na isang lady cop na mag-iimbestiga sa pagkamatay ng […]
-
Jeremy Lin pipirma sa Warriors G League team para sa NBA comeback bid
Nakatakdang pumirma sa isang deal ang dating NBA player na si Jeremy Lin sa Golden State Warriors G League team na Santa Cruz Warriors. Gagawin ang 2021 G League season sa Disney World bubble sa Orlando, kung saan ang opening ay inasahan sa unang bahagi ng February. Magtatapos ang playoffs nito sa buwan […]