• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Laking gulat na sinundo sa airport kahit nagti-taping… BIANCA, kinilig sa sweet gesture ng boyfriend na si RURU

AMINADONG kinilig si Sparkle actress Bianca Umali sa sweet gesture ng kanyang boyfriend at kapwa Kapuso actor na si Ruru Madrid nang sorpresahin siya nito.

 

 

Sa post ni Bianca sa Instagram account niya, sinabi niyang nagsinungaling man si Ruru sa kanya, “it was one of the sweetest moments of my life.”

 

 

“After working far far away for how many days – I’ve been missing my person so bad and we weren’t sure when we would see each other again because of our schedules,” kwento ni Bianca.

 

 

Ayon pa raw sa aktor ay nasa set na ito at nagre-ready na para sa taping kaya laking gulat niya ng sunduin siya ni Ruru sa airport.

 

 

“I was expecting my driver to pick me up (shoutout to kuya Leo na nag-effort to act sa phone na nasa airport na daw siya and asking me kung anong bay daw ako susunduin HAHA kasabwat) but NOPE. Ang sumundo – MY driver sweet lover pala kiliiigzzz,” sabi ng aktres sa caption.

 

 

Bukod pa sa pagsundo niya sa aktres ay may dala rin bouquet of roses si Ruru para sa kanyang girlfriend.

 

 

“You didn’t have to, but thank you @rurumadrid8 na pawi lahat ng pagod ko. MNMK!!!” pagtatapos nito sa post.

 

 

Naghahanda ngayon si Bianca para sa pelikula nila ng National Artist at Superstar Nora Aunor nakatakdang kunan sa Siquijor.

 

 

Samantala, magbabalik naman si Ruru sa isang action-drama series na ‘Black Rider’ kung saan gaganap siya bilang isang motorcycle delivery rider na haharap sa isang sindikato.

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Injuries ng mga players isinisi sa ‘brutal’ na games scheduling ng NBA

    Isinisi ngayon ng mismong ilang mga NBA managers ang mahigpit na scheduling na siyang dahilan umano ng maraming injuries ng marami nilang mga players.     Ayon sa ilang general managers na tumangging isapubliko ang mga pangalan, mas matindi pa ngayon ang torneyo kumpara sa ginanap na NBA bubble noong nakaraang taon sa Florida.   […]

  • SWS survey na nagsasabing bumuti ang lagay ng 32% adult Filipino, pruweba na epektibo ang hakbang ng gobyerno kontra Covid response–Malakanyang

    LABIS na ikinatuwa ng Malakanyang  ang pinakahuling survey ng SWS na nagsasabing 32% ng  adult Filipino ang nagpahayag na mas maayos ang kanilang buhay nitong April 2022 kumpara sa  24% noong December 2021.      Sinabi ni Presidential Communications Secretary at Acting Presidential Spokesperson Sec. Martin M. Andanar, isa lamang itong patunay na epektibo ang […]

  • Tubig sa Angat mababa na sa minimum operating level

    BUMABA na sa minimum operating level ang tubig sa Angat Dam sa Norzagaray, Bulacan.     Ayon sa PAGASA, nasa 179.99 meters na lamang ang tubig sa Angat na mas mababa sa 180-meter minimum operating level.     Mas mababa rin ito ng 0.46 meter kumpara sa 180.45 meter noong Biyernes, Hulyo 7.     […]