Walang dahilan para ipagpaliban ang Negros Oriental barangay, SK polls-Abalos
- Published on July 12, 2023
- by @peoplesbalita
WALANG nakikitang dahilan si Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. para ipagpaliban ang barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Negros Oriental kasunod ng kanyang pagbisita sa lalawigan nito lamang weekend.
Sinabi ni Abalos na ang lalawigan ay mapayapa sa loob ng apat na buwan matapos na patayin si dating governor Roel Degamo, tinukoy ang comparative data na ipinresenta sa kanya ng lokal na pulis.
“Kanilang kinumpara ang crime rate ngayon at last year. Talagang malayo, talagang napakatahimik ng Negros Oriental, except that one incident… otherwise isusuma mo lahat, talagang tahimik,” ayon kay Abalos.
Sinabi aniya niya sa lokal na mga opisyal ng Negros Oriental na ituon ang pansin sa economic recovery.
Tinukoy ang maliwanag na pagdagsa ng turista simula nang mapaslang si Degamo.
“Ang importante rito ay bumangon economically ang Negros Oriental. Nagulat nga ako dumami ang mga turista eh…. Nakita ko iyong eroplanong nakasabay ko, madami-dami na rin iyong turista eh.” ayon kay Abalos.
Tinuran pa ni Abalos na noong bumisita siya sa Negros Oriental, personal niyang sinaksihan ang “change of leadership” ni provincial police Col. Ronan Claravall at outgoing director Col. Alex Recinto.
Bago pa naging Negros Oriental’s top cop si Claravall, may 100 opisyal mula sa Regional Mobile Force Battalion 7 ang dineploy sa lalawigan.
“May bagong kapulisan ngayon, ito’y part of the reshuffling para wala masyadong familiarity of that place,” ang winika ni Abalos.
Nauna rito, sinabi ni Abalos na masusi niyang im-monitor ang developments o mga kaganapan sa Negros Oriental. (Daris Jose)
-
Alden, naalala kung paano nahirapan sa umpisa 10 years ago
Kahit na ang mga unang taon sa industriya ay hindi naging madali para kay Alden Richards, hindi siya sumuko para marating ang kanyang mga pangarap. Ngayong 2020, 10 years na si Alden sa showbiz. At malinaw pa sa kanya kung paano siya nangarap noon. “When I was starting, ang dami kong pangarap, […]
-
Ads September 5, 2020
-
7 drug suspects timbog sa buy bust sa Navotas
UMABOT sa mahigit P.1 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng pulisya sa pitong hinihinalang drug personalities, kabilang ang dalawang lolo na malambat sa magkahiwalay na buy bust operation sa Navotas City. Sa ulat ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes kay NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas, nagsagawa ang mga operatiba […]