Alden, naalala kung paano nahirapan sa umpisa 10 years ago
- Published on December 9, 2020
- by @peoplesbalita
Kahit na ang mga unang taon sa industriya ay hindi naging madali para kay Alden Richards, hindi siya sumuko para marating ang kanyang mga pangarap.
Ngayong 2020, 10 years na si Alden sa showbiz.
At malinaw pa sa kanya kung paano siya nangarap noon.
“When I was starting, ang dami kong pangarap, ang dami kong gustong mangyari sa buhay ko noon,” the Kapuso homegrown talent recalled. “As I go along the 10 years that I’ve been here, unti-unti siyang natutupad because of the support of the people,” dagdag niya.
“My struggles pushed me to work hard para marating ko kung ano man ang narating ko ngayon. That’s what keeps my feet on the ground. Kasi if not for those hardships and struggles, hindi ko mararating kung ano ‘yung narating ko ngayon. So I really owe it to those moments. I don’t regret any of those moments that happened to me in the past.”
And 10 years later, binigyan siya ng title ng GMA 7 na Asia’s Multimedia Star.
Bukod sa isa sa premier actors ng bansa, tinuturing na rin siyang top celebrity endorser, host, an award-winning performer, a chart-topping recording artist, a record-breaking box office star, at successful businessman na rin.
At para i-celebrate at magpasalamat sa mga sumusuporta sa kanyang isang dekada sa industriya na ngayon ay dumadaan din sa krisis dahil sa pandemya, handang-handa na si Alden para sa first ever virtual reality concert – Alden’s Reality – happening tomorrow, December 8, Mama Mary Day.
Kasabay nito ang debut of his latest single – Goin’ Crazy na collaboration between Alden, GMA Music, and FlipMusic Productions. “I’ve done a few singles in the past but this is one of my favorites. It’s very timely, especially because we’re all in community quarantine right now. Sobrang chill lang and I enjoyed recording it,” banggit ng actor tungkol sa kanyang bagong kanta.
“Malaki po ang pasasalamat ko sa tiwalang ibinigay sa akin at sa suporta ng mga tao throughout my career. I’m really grateful to them kasi I would never reach 10 years without these people. Kasi siyempre ang success is best experienced when you share it with other people who are with you. So doon po ako pinaka-blessed, to have people who encourage me, who give me unconditional love and support,” pagtatapos ni Alden.
Joining Alden as special guests sa kanyang virtual concert are brothers Rodjun and Rayver Cruz as well as OPM band December Avenue. The concert is directed by Paolo Valenciano.
Meanwhile, Goin’ Crazy will be available for streaming on YouTube Music, Spotify, Apple Music, and across all other digital platforms worldwide beginning December 9.
-
Mga lugar na nasa lockdown sa QC nadagdagan pa; occupancy rate sa 3 hospitals 100% na
Muling nadagdagan ang bilang ng mga lugar na isinailalim sa special concern lockdown sa Quezon City. Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte nasa ilalim ng Special Concern Lockdown Areas (SCLA) ang 53 na lugar sa lungsod dahil sa pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19. Sinabi ni Belmonte na partikular […]
-
TIANGCO BROTHERS MULING NANGUNA SA JOB PERFORMANCE POLL
MULING nanguna si Navotas Congressman Toby Tiangco habang nakuha naman ng kanyang kapatid na si Mayor John Rey Tiangco ang ikalawang puwesto sa isinagawang survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) noong September 20-30, 2023 sa third-quarter na pagganap ng mga mayor at mga kinatawan ng Metro Manila. Nakamit ni Cong. Tiangco ang 95.3% job […]
-
Ads March 17, 2022