MEDICAL CANNABIS AVAILABLE NA SA BANSA
- Published on July 12, 2023
- by @peoplesbalita
IBINUNYAG ni Dr. Gen Marq Mutia, presidente ng Philippine Society of Cannabinoid Medicine, na dapat malaman ng lahat, malaman ni First Lady Liza Araneta Marcos at Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na available na ang medical cannabis sa bansa.
Sa Media Health Forum sa Quezon City nitong Lunes, sinabi ni Dr. Mutia, “As of 2021, 64 countries ay mayroong batas na pinapayagan ang medical cannabis, 34 dito ay pinapayagan ang mga non-pharmaceutical grade medical cannabis.”
The Philippine Society of Cannabinoid Medicine aims to provide guidelines for clinically-based trial pertaining to medical cannabis. and advocate for just laws.
“Hindi po kriminal ang medical cannabis. Pag ginamit for non-medical purposes, masama po ito. We advocate for humane treatment of these individuals who are hooked into drugs,” sabi ni Dr. Mutia.
“The approach to cannabis should be medical and not criminalization and punitive,” dagdag ni Dr. Mutia.
“Under Republic Act 9165, o ‘Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002’, pwede ang paggamit ng medical cannabis. Inaatasan ang DDB (Dangerous Drugs Board) na payagan ang pag-angkat ng medical cannabis for medical purposes with special permit for compassionate use,” dagdag pa ni Dr. Mutia.
“Hindi pwedeng ang mga mambabatas lamang ang mag-usap-usap at mas importante pa rin ang information dissemination at education para malaman sa grassroots level ang benefits ng medical cannabis,” ipinunto ni Dr. Mutia.
“Ang scheduling o classification ng marijuana bilang dangerous drug sa ilalim ng RA 9165 ang isa sa dahilan o balakid o hindi siya gamot at pusakal sya kaya di pinapayagan ang paggamit ng marijuana bilang gamot,” saad pa ni Dr. Mutia.
Binago na ng United Nations ang classification ng marijuana from schedule 4 to schedule 1 at dapat ay schedule 1 na sa Pilipinas. Ibig sabihin nito, ang marijuana ay tinuturing ng beneficial for medical purposes at hindi na sya illegal substance.
Taong 2020 pa nagbago ang UN ng classification ng marijuana from illegal substance to beneficial for medical purposes.
“Importation only and not for local production ang pinayagan ng DDB (Dangerous Drugs Board) para sa purified CBD (Cannabinnoid). Pero walang importer dahil sa sobrang mahal ng purified CBD,” sabi nya.
Ayon sa DDB, signatory ang Pilipinas sa United Nations kaya dapat sundin ang nasabing re-classification ng marijuana o cannabis. (PAUL JOHN REYES)
-
JANNO, may naka-relasyon na tomboy at may nagyaya na makipag-threesome; Direk DARRYL, na-intimidate sa tatlong stars
AMINADO ang singer/comedian at TV host na si Janno Gibbs na may kakaibang nerbiyos ang naramdaman nang i-offer sa kanyang ng Viva Films ang 69+1, ang kakaibang sex-comedy film na never pa niyang nagawa sa buong movie career. Kahit nga hindi siya ang original choice sa gumanap na Apol na isang photographer, siya […]
-
PRC, aminadong hindi madali ang pagsasagawa ng licensure examination sa gitna ng pandemya
TINATAYANG umabot na sa 62 mula sa 101 scheduled licensure examinations ang naisagawa ng Professional Regulation Commission (PRC) noong 2021 kumpara noong 2020 na nasa 11 mula sa 85 examinations lamang. Sa Laging Handa briefing, inamin ni PRC Chairperson Teofilo Pilando, Jr., na hindi naging madali ang pagsasagawa ng mga examinations sa nakalipas […]
-
Liza, puwedeng kasuhan ng Cyberbully ang empleyado ng isang internet provider
PUWEDENG kasuhan ng Cyberbully ang empleyado ng isang internet provider na si Mellisa Olaes dahil sa komentong ‘sarap ipa-rape’ si Liza Soberano. Nakipag-usap na sa kanyang abogado ang aktres kasama ang manager niyang si Ogie Diaz. Bukod dito ay posible ring at stake ang trabaho ni Mellisa bilang head ng sales department ng […]