• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Very happy sa nalalapit na kasal nila ni Arjo: ALDEN, malaki ang pasasalamat sa pagtitiwala ni MAINE

NGAYONG July 28 na ang naglalabasang balita ng kasalang Maine Mendoza at Arjo Atayde.

 

 

At hindi naman maikakaila at maitatanggi na si Maine at Alden Richards ay naging malaking bahagi ng buhay ng bawat isa.

 

 

Nang makausap nga namin si Alden sa naging mediacon ng “Battle of the Judges,” ang bagong programa ng GMA-7 kunsaan siya ang host, nahingan namin siya ng reaksiyon sa nalalapit na kasal ni Maine.

 

 

“Very much,” ang mabilis na pagsang-ayon naman ni Alden.

 

 

“Maine Mendoza has been a very huge part of my life. Hindi ko alam kung gano’n din ako sa kanya, pero ako, that’s how I feel.

 

 

“Parang hindi ako masyadong naging vocal about this for the longest time, but I think, this is the right time.

 

 

“Malaki ang pasasalamat ko sa kanya, sa pagtiwala niya sa akin. Although, we may had some differences and misunderstanding in the past, but at least, we remained good friends.

 

 

“At ngayon nga po, parang nawalan ng possibility na makabalik ako sa ‘Eat…Bulaga!’ it’s because of different networks and exclusive po ako, medyo nakakalungkot.”

 

 

Pero ayon kay Alden, “Now that she’s going to a path na talagang naikukuwento na niya sa akin na talagang gusto niya. Kasi si Maine, very planned ang buhay. Very goal-oriented.

 

 

“By the age na ganito, ganito na dapat. So, ngayon na nandiyan siya ngayon, of course, with Arjo, siguro yung naibibigay ni Arjo sa kanya is yung talagang love na deserve niya.

 

 

“And I’m very happy and sincerely na sinasabi ko yun sa kanya. I really wished her well and sana, wherever she is now, I know that she’s very happy and for the longest time, she deserves that.

 

 

“And yun ang dapat para sa mga taong nagta-trabaho, who are hardworking. And parang biglaan din po ang dating sa buhay ni Maine ng show business. So, I think, this is her rewards.”

 

 

Siyempre, natanong din si Alden kung may pupuntahan ba siyang kasalan sa July 28, sey niya na natatawa, busy raw yata siya.

 

 

Safe to say sabihin na hindi siya invited, huh.

 

 

***

 

 

POSIBLENG nasa London na ngayon si Bela Padilla.

 

 

Pero bago ito lumipad papuntang London, nag-South Korea muna siya.

 

 

Grabe rin ang naging schedules ni Bela dahil pagkatapos na pagkatapos niya ng shooting ng movie nila ni JC Santos, nag-launch ito kinabukasan ng kanyang skincare line, ang “Aera.”

 

 

Partner si Bela ng Aera at talagang proud na proud ito sa kanyang produkto na all manufactured in South Korea. May ipinakita sa aming photo si Bela nang nangyari sa kanyang skin kunsaan, nag-break-out itong talaga noong December.

 

 

Nahihiya pang ipakita o i-post ni Bela ang picture niya na at that time raw, hindi raw talaga siya lumalabas.

 

 

Pero naging daan daw ‘yun para ma-prove ni Bela na effective at maganda talaga ang product nila. At wala rin etchos, sinubukan naming gamitin at maganda nga talaga.

 

 

Sabi ni Bela, “I’ve learned my lesson kasi before, nag-business na rin ako ng skin care line, pero hindi naging successful. Now, I partnered with the right people na matagal na talaga sa ganitong business.”

 

 

Sa isang banda, hindi pa masabi ni Bela kung kailan siya muling babalik ng bansa. Posible raw kasi na next year na, not unless ang movie nila ni JC ay ipalalabas na nga ngayong September, baka raw umuwi muna siya.

 

 

Habang nasa London, do’n daw siya nakakagawa ng ibang work niya tulad ng pagsusulat ng script.

 

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Tradisyunal na Traslacion babalik na sa Enero

    PINAGHAHANDAAN  ng organizers ng traditional na parada ng Itim na Nazareno sa taunang Traslacion.     Sinabi ni Quiapo Church Parochial Vicar Father Jesus Madrid Jr na plano nilang lagyan ng glass case ang mahigit na 400-taon na imahe ng itim na Nazareno.     Sa darating kasi na Enero 9 ay siyang pagbabalik ng […]

  • Barangay Kamuning ‘di isasailalim sa lockdown — Mayor Joy

    Wala umanong basehan para isailalim sa lockdown ang Brgy. Ka­muning matapos na isang residente dito na galing Dubai ang kaunaunahang na-infect ng UK COVID variant.   Ito ang inihayag ni Quezon City Mayor Joy Belmonte kasabay nang pagsasabing hindi na nakarating sa kanyang bahay ang pasyente matapos itong dumating sa bansa dahil agad itong dinala […]

  • NON-MANILA RESIDENTS, PUWEDENG MAKAKUHA NG ANTI-COVID DRUGS SA MAYNILA

    SINABI ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na maari ring makakuha ng Anti-Covid drugs sa pamahalaang lungsod ng  Maynila ang mga non-Manila residents .     Ayon sa alkalde, may sapat na suplay ng Remdesivir, Tocilizumab, Baricitinib at Molnupiravir ang Manila LGU na kasalukuyang kailangan dahil sa paglobo ng kaso ng Covid-19.     “Sa […]