• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

HVI na tulak laglag sa P540K shabu sa Caloocan buy bust

MAHIGIT P.5 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa isang tulak ng illegal na droga na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos maaresto sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City.

 

 

Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek na si Michael Magdaong, 49, wood seller at residinte ng Phase 4, Lot 1, Bagong Silang, Barangay 176, Caloocan City.

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Col. Lacuesta na nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Caloocan police ng impormasyon mula sa isang Regular Confidential Informant (RCI) na nagbebenta umano ng shabu ang suspek kaya isinailalim nila ito sa validation.

 

 

Nang positibo ang ulat, agad nagsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Cpt. Ronald Allan Soriano, kasama ang 3rd MFC, RMFB at mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 11 ng joint buy bust operation kung saan isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek ng P6,500 halaga ng shabu.

 

 

Nang tanggapin ng suspek ang markadong salapi mula sa pulis poseur-buyer kapalit ng isang medium plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba sa Robes 1, Brgy. 175, dakong alas-3:30 ng madaling araw.

 

 

Ayon kay Cpt. Soriano, nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 80 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P544,000.00, buy bust money na isang tunay na P500 bill, kasama ang anim pirasong P1,000 boodle money at pouch bag.

 

 

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

 

 

Pinuri naman ni BGen. Peñones ang Caloocan police sa sa pamumuno ni Col. Lacuesta sa kanilang pagsisikap para labanan ang ilegal na droga at mahuli ang mga taong sangkot sa pagpapakalat nito na nagresulta ng matagumpay nilang operation. (Richard Mesa)

Other News
  • Mass wedding, pinapayagan na ngayong pandemic – DILG

    Kinumpirma ng Department of Interior and Local Government (DILG) na maaaring magsagawa ng mass wedding kahit nasa gitna pa ng pandemic ang bansa.   Kailangan lamang daw siguraduhin ng mga local government units (LGUs) na nasusunod pa rin ang mga health protocols na ipinapatupad ng gobyerno.   Sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na papayagan […]

  • Matatagalan pa bago makabalik ng ‘Pinas: Fulfilling kay AI-AI ang magtrabaho sa isang nursing home

    KASALUKUYAN nang napapanood ang award-winning Kapuso adventure series na ”Lolong” sa Indonesia, na may titulo roon bilang “Dakkila.”       Pinalabas na noong nakaraang Lunes ng gabi ang “Dakkila” sa Indonesian channel na ANTV.       Narito ang naka-post sa Facebook ng ANTV:     “TODAY!! Don’t miss watching the story of Dakkila […]

  • DOH: PH gov’t maglalabas ng ‘ventilation guidelines’ sa pagbubukas ng mga sinehan

    Nakatakdang maglabas ng bagong guidelines ang pamahalaan para maging gabay ng mga pinahuntulutang nang sinehan na mag-operate sa gitna ng pandemya.     Ito ang kinumpirma ng Department of Health (DOH) matapos payagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagbubukas ng ilang establisyemento tulad ng mga sinehan.     “One of the safeguards was the […]