• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

OCD, muling pupulungin ang National El Niño Team sa gitna ng banta ng matinding tag-tuyot, kakulangan o kawalan ng ulan

MULING pupulungin ng Office of Civil Defense (OCD) ang National El Niño Team sa layuning mas pag-isahin at itugma ang implementasyon ng pagsisikap na maghanda at tugunan ang matinding epekto ng tag-tuyot at kakulangan o kawalan  ng ulan sa bansa.

 

 

Sa isang kalatas, sinabi ng OCD na nakatakda ang pagpupulong sa Hulyo 19 kung saan pag-uuusapan ang nagpapatuloy na aktibidad ng mga ahensiya ng pamahalaan para sa El Niño.

 

 

“Also, priority among the discussion points is the presentation of the short, medium and long term plans of various team clusters to address the effects of El Niño on food security, water security, energy security, health, public safety and cross cutting issues,” ang nakasaad sa kalatas.

 

 

Sinabi naman ni OCD administrator at executive director ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Undersecretary Ariel F. Nepomuceno, na nais na niyang isapinal ang National Action Plan for El Niño lalo pa’t  idineklara noong Hulyo  4 na nagsimula na ang El Niño phenomenon.

 

 

Sa kabilang dako, pangungunahan naman ni Nepomuceno ang nasabing miting kung saan ang Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa) ay magbibigay din ng kanilang  updated forecast ng  climate phenomenon at estado ng iba’t ibang dam sa bansa.

 

 

“We are looking forward to the finalization of the National Action Plan for El Niño by this team as we continue to undertake various activities specific to our agency mandates to ensure that the effects of El Niño-induced dry spells and drought to the country can be countered,” ayon kay Nepomuceno.

 

 

“Pagasa forecasts the possible strengthening of El Niño towards ‘moderate” to “severe” degree by the latter part of 2023,” ayon sa ulat.

 

 

Samantala, regular naman na nagpupulong ang  National El Nino Team para sa updates  na ginagawang hakbang ng ahensiya kasunod ng naging kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa isang “science-based, whole-of-nation strategy” para ihanda ang bansa para sa matinding epekto ng climate phenomenon. (Daris Jose)

Other News
  • De la Hoya hindi aatrasan si Canelo

    Kilala si dating six division world champion Oscar de la Hoya na hindi umaatras sa hamon, mentalidad na dala pa rin nito hanggang ngayon sa edad na 47.   Nagpahayag si De la Hoya na muling babalik sa boksing upang lumaban at target umano nitong makasagupa ang tigasin nitong alagang si Saul “Canelo” Alvarez.   […]

  • PBBM, pinag-iisipan na gayahin ang state-run mall ng Indonesia para sa Pinas

    PINAG-IISIPAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  na magtayo ng state-run malls sa PIlipinas.     Layunin nito na i-promote ang micro, small and medium-sized enterprises (MSMEs) at lokal na produkto.     Sumagi sa isipan ni Pangulong Marcos ang nasabing ideya matapos na bigyan siya ni Indonesian President Joko Widodo ng tour sa isang mall […]

  • Nagpasalamat si Mark sa bonggang regalo: MICHELLE, may customized Barbie Doll na suot ang Whang-Od inspired gown

    MAY sarili ng Barbie Doll si Miss Universe Philippines Michelle Marquez Dee at suot ng doll ang Whang-Od inspired evening gown na gawa ni Mark Bumgarner.       Regalo ito kay MMD at Mark ng Miss Universe Philippines Director of Communications Voltaire Tayag.       “My thank you gift to Michelle for having […]