De la Hoya hindi aatrasan si Canelo
- Published on July 23, 2020
- by @peoplesbalita
Kilala si dating six division world champion Oscar de la Hoya na hindi umaatras sa hamon, mentalidad na dala pa rin nito hanggang ngayon sa edad na 47.
Nagpahayag si De la Hoya na muling babalik sa boksing upang lumaban at target umano nitong makasagupa ang tigasin nitong alagang si Saul “Canelo” Alvarez.
Hindi ko aatrasan ang pagkakataon na makasagupa sa aking planong pagbabalik sa ring si Alvarez,” ani De la Hoya.
Matatandaang huling lumaban si De la Hoya noong 2008 nang talunin ito ni eight division world champion Manny Pacquiao via technical knockout sa eight round na nagresulta sa kanyang pagreretiro.
Naengganyo umanong bumalik sa ring si De la Hoya matapos makita ang magandang kondisyon ni dating heavyweight champion Mike Tyson na lalabang muli sa isang exhibition fight sa edad na 54.
“Pakiramdam ko kaya ko pang lumaban matapos mamahinga ng 12 years,” ani De la Hoya.
-
Ads May 17, 2022
-
Matapos magwagi sa ’58th Guldbagge Awards’: DOLLY, bigo na makakuha ng nomination sa ’95th Academy Awards’
SA ginawang annoucement of nominees, kinalumo ng maraming Pinoy na hindi nabanggit ang pangalan ni Dolly sa final five nominees sa supporting actress category. Ang mga pasok ay sina Angela Bassett (“Black Panther: Wakanda Forever”); Hong Chau (“The Whale”); Kerry Condon (“The Banshees of Inisherin”); Jamie Lee Curtis (“Everything Everywhere All at Once”) at Stephanie […]
-
PDu30, hiniling sa publiko na makinig sa mga eksperto sa harap ng pagtaya na magka-COVID surge
UMAPELA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa publiko na huwag sanang mas marunong pa sa mga eksperto at sa halip ay makinig sa mga ito. Sinabi ng Pangulo na nakarating sa kanyang kaalaman ang nakaambang na COVID surge na una ng ibinababala ng mga eksperto. Kaya ang hiling ng Pangulo sa […]