Gagawa na naman ng history ang ‘Voltes V: Legacy’: MIGUEL, YSABEL at GABBY, dadalo sa San Diego Comic-Con 2023
- Published on July 15, 2023
- by @peoplesbalita
“Voltes V: Legacy” makes history as the first Philippine TV program in Comic-Con International.
GMA Network’s primetime masterpiece continues to dominate the entertainment world as it becomes the first-ever Philippine TV program to participate in the San Diego Comic-Con (SDCC) 2023.
Ang GMA ay inimbitahan ng Dogu Publishing para sa biggest annual comics convention sa California, USA. According to Dogu Publishing CEO Jerry Blank, aim nilang to expand the reach of international panels around the globe, driving the way for a more diverse comic book industry.
Magaganap ang SDCC 2023 mula July 20 to 23 at dadaluhan nina GMA Senior Vice President Lilybeth G. Rasonable, Assistant Vice President for Drama Helen Rose S. Sese, Assistant Vice President for Post Operations Vincent C. Gealogo, and Telesuccess Productions Executive Producer Larson Chan.
Siyempre pa, ang highly-anticipated event ay hindi kumpleto kung hindi dadalo ang cast ng “Voltes V: Legacy” na sina Miguel Tanfelix (Steve Armstrong), Ysabel Ortega (Jamie Robinson), Gabby Eigenmann (Commander Robinson), and the show’s esteemed director Mark Reyes.
Ang Comic-Con debut on July 22 from 10 am to 11 am at the Marriott Marquis San Diego Marina. The cast will be signing a limited-edition poster on the convention floor.
Ang “Voltes V: Legacy” ay napapanood gabi-gabi, 8 p.m. sa GMA-7 and at 9:40 p.m. on GTV. Global Pinoys can catch the program via GMA Pinoy TV.
***
MASAYA si Anne Curtis nang muli siyang tumpak sa bakuran ng GMA Network para mag-guest sa “Fast Talk with Boy Abunda.”
Hindi iyon ang unang pagkakataon ni Anne na maka-tungtong sa Kapuso Network dahil doon nagsimula ang kanyang TV career noong 1997. Ilan sa mga nagawa niyang programa roon ay “T.G.I.S.” “Beh, Bote Nga,” “Anna Karenina,” “Idol Ko Si Kap,” at ang “Iibigin ay Ikaw.”
Huli niyang ginawa noong 2003 ay “Love to Love” bago siya lumipat sa ABS-CBN at naging Kapamilya.
Nagkaroon ng chance si Anne makabalik sa GMA nang magsimulang ipalabas sa GTV ng GMA, ang “It’s Showtime” noontime show ng ABS-CBN noong July 1. Thankful si Anne sa mainit na pagsalubong sa kanyang pagbabalik sa GMA-7.
Malaki ang possibility na hindi ang guesting ni Anne kay Boy Abunda ang una at huli niyang pagtapak sa GMA.
Sa tanong kay Anne kung handa siyang gumawa ng mga projects sa GMA, nakangiti niyang sagot: “Yes, gusto kong makatrabaho rito ang sister ko, si Jasmine, kasi pareho kaming ‘baliw.’ Even before pa ng “It’s Showtime,” I was able to do a film with GMA Films and Viva because I am under Viva, so I am able to collaborate with GMA.”
***
MAY mga nagtatanong na kay Kapuso actor at bagong “Eat Bulaga” host na si Paolo Contis kung ready na siyang magkaroon muli ng responsibilidad, pagkatapos niyang aminin ang relasyon nila ng actress na si Yen Santos.
Pero sagot ni Paolo, walang-wala pa sa kanyang mga priorities na magkaroon ng bagong responsibilidad. Sa ngayon daw ay nasa ‘fixing stage’ pa rin siya.
Tanggap din niya ang mga pamba-bash ng mga haters sa social media, lalo na ang nagsasabing pabaya at wala raw siyang kuwentang ama dahil sa hindi niya pagsustento sa mga anak niya kay Lian Paz at LJ Reyes.
Basta ang pangako ni Paolo, “I will never enter their lives para manggulo. Just to have a decent conversation, that’s all I’m asking.”
(NORA V. CALDERON)
-
22 nadakma sa drug operation sa Valenzuela
UMABOT sa dalawampu’t dalawang hinihinalang drug personalities, kabilang ang tatlong bebot ang nasakote ng pulisya sa magkahiwalay na drug operation sa Valenzuela City. Ayon kay PLT Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police, dakong alas-6:50 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT […]
-
MMDA, IBALIK ang CODING o TULUYAN NANG ALISIN?
Pinagaaralan diumano ng MMDA na ibalik na ang coding sa Metro Manila matapos na isuspinde ito dahil sa pandemya. Kung paniniwalaan ang Presidente na na-solve na raw ang traffic sa EDSA e bakit nga ba ibabalik pa! Ang coding ay bahagi nang ipinatupad ng MMDA na Unified Vehicular Volume Reduction Program. Kamakailan lang ay kinatigan […]
-
Tiamzon mamumudmod ng mga bola’t net sa LuzVi
MAMAMAHAGI ng bola at net ng volleyball bilang Pamasko niya sa mga kabatan si Premier Volleyball League (PVL) star Nicole Anne Tiamzon sa ilang sa Luzon at Visayas. Ito na ang huling proyekto ngayong taon ng ‘YSK Outreach ng Spike and Serve Philippines Incorporated’ na pinamumunuan mismo ng dalagang balibolista Kaya nanawagan pa […]