Tiamzon mamumudmod ng mga bola’t net sa LuzVi
- Published on December 12, 2020
- by @peoplesbalita
MAMAMAHAGI ng bola at net ng volleyball bilang Pamasko niya sa mga kabatan si Premier Volleyball League (PVL) star Nicole Anne Tiamzon sa ilang sa Luzon at Visayas.
Ito na ang huling proyekto ngayong taon ng ‘YSK Outreach ng Spike and Serve Philippines Incorporated’ na pinamumunuan mismo ng dalagang balibolista
Kaya nanawagan pa ang BanKo Perlas Spikers na outside spiker at team skipper sa mga may ginintuang puso na gusto siyang samahan sa kanyang kawanggawa sa nalalapit na pagtitipon.
“If meron kayong mga gamit na bola, pero pwede pa gamitin, and if you guys have an extra net na hindi niyo na rin ginagamit hope you can donate it to us so we can send it to the communities who needs our help especially the victims of the typhoons (coz na-washed-out din even their volleyball equipment,” wika ng 25-anyos at may taas na 5-6 na beteranang manlalaro.
Pinanapos niyang lahad: “This will be our Christmas gift to them para if okay na lahat and pwede na ulit maglaro they can use it na agad!”(REC)
-
COVID-19 death toll sa Phl, halos 11K na: DOH
Nakapagtala ngayon ang Department of Health (DOH) ng panibagong 1,590 mula sa nakalipas na taon. Sa ngayon, mayroong 6.2% o katumbas na 32,775 ang aktibong kaso sa Pilipinas, nasa 91.8% (487,927) na ang gumaling, at 2.07% (10,977) ang namatay. Mayroon kasing panibagong naitalang 249 na gumaling at 55 naman ang mga […]
-
Resolusyong maglabas ng P10-K ayuda sa nasalanta ng bagyo lusot sa House committee
Lusot na sa isang komite ng Kamara de Representantes ang resolusyong nais magpabilis sa pagbibigay ng libu-libong ayuda para sa mga nasalanta ng mga nakaraang sakuna. Lunes nang iulat ng Gabriela Women’s Party na pasado na sa House committee on social services ang House Resolution 1402, bagay na nananawagang pabilisin ang P10,000 cash assistance […]
-
P7.9 milyon shabu, nasamsam ng DDEU-NPD sa 3 HVI sa Caloocan
NASA mahigit P7.9 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa tatlong drug suspects na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos malambat ng pulisya sa buy bust operation sa Caloocan City, Huwebes ng madaling araw. Kinilala ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief P/Lt Col. Timothy Aniway Jr ang mga suspek na sina alyas […]