Puwede nang ma-experience ang napanood sa K-drama series: CHAVIT, maghahanap pa ng perfect Pinoy endorser para sa sikat na ‘bb.q Chicken’
- Published on July 19, 2023
- by @peoplesbalita
PINANGUNAHAN ni former Ilocos Sur Gov. Luis “Chavit” Singson kasama ang kanyang lovely daugther na si Vanessa Singson, ang pagbubukas ng second branch ng sikat na South Korean food chain restaurant na ‘bb.q Chicken’, na matatagpuan sa labas ng third level ng Robinsons Magnolia, na malapit din sa mga sinehan.
Ang ‘bb.q’, na ang ibig sabihin ay “Best of the Best Quality Chicken” ay ang food chain na itinampok sa iba’t ibang K-drama series gaya ng “Goblin”, “The King: Eternal Monarch”, “One Spring Night”, at “Crash Landing On You”, na pawang popular sa mga Pinoy.
Dumating at sumuporta si Quezon City Vice-Mayor Gian Sotto bilang representative ni Mayor Joy Belmonte sa ginanap na ribbon-cutting noong Linggo, July 16.
Nauna namang dumating si Korina Sanchez-Roxas, kasama si David Chua, para mag-shoot sa naturang bonggang resto, hindi na lang niya nahintay ang pagdating ng dating gonernador.
Inabangan naman ng mga press people ang pagdating ni Coco Martin at iba pang celebrities sa opening ng ikalawang branch ng ‘bb.q Chicken’. Pero sa paliwanag Gov. Chavit, hindi na raw nag-inimbita ng mga kaibigang celebrities dahil hindi raw magkakasya sa newly-opened resto.
Ayon kay Gov. Chavit, “itong bb.q chicken, galing Korea ‘to na pwede lahat ng investor, pinapa-franchise so everybody is qualified, pwede sa lahat. Sa Korea, may chicken university.
“So, lahat ng mga chef, franchisee, mag-aaral do’n ng two months. Pero sabi ko, dito na lang mag-training para hindi masyadong malayo.”
Dagdag pa ng 82-year old politician at businessman, “’Yon lang po ang gusto kong ipaalam sa inyo, it’s open to everybody, maski sino po. Basta makahanap kayo ng lugar, aaprubahan lang nila and of course ‘yung itsura.”
Ang menu ng food chain ay binubuo ng iba’t ibang flavor ng manok na binuo ng Chicken University ng Genesis BBQ sa South Korea, na kung saan tatlo ang natikman namin, na pawang masasarap ang timpla na patok sa panglasang Pinoy. Na sure kaming babalik-balikan dahil sa kakaiba nilang ino-offer, kaya may ibang option kung type n’yo ang masarap na fried chicken.
Ang bestseller nila ay ang Golden Fried Chicken at kasama rin ang patok na Hot Crispy Chicken, Golden Fried Chicken Strips, Hot Spicy Secret Chicken, Gangnam-Style Chicken, at Cheesling Chicken.
Matitikman din ang bb.q Chicken ng tteokbokki, sundubu jigae, bibimbap, pasta, at salad. Mayroon silang iba’t-ibang coffee, na dapat ay sinubukan din namin ang kanilang Dalgona coffee. May fruit-based drinks, at ang na-try namin na Yakult Float Smoothie.
Of course, may beer din at cocktail drinks na bagay na bagay sa delicious fried chicken. Naging famous nga sa South Korea ang chimaek combination (chicken + beer) dahil sa mga K-dramas, at pagkakataon na ninyo itong maranasan sa two branches.
Meron na palang higit sa 3,500 na branch sa 57 countries ang bb.q chicken. Ayon kay Singson, mas maraming branch pa ang bubuksan sa Pilipinas sa darating na buwan, na kung saan ang first branch nito ay matatagpuan sa ikalawang palapag ng Bonifacio High Street Central, Taguig City, na nag-open last year. Nasa plano rin pala na sa ‘Pinas ang maging main home ng bb.q Chicken sa Southeast Asia.
Hinihintay naman kung sino kayang Korean superstar ang magiging endorser ng naturang food chain, na papupuntahin niya dito sa bansa. Pero malamang maghanap din sila ng LCS Group of Companies ng local stars na puwede rin maging endorser, lalo na ‘yun K-drama at K-pop fanatic, para naman swak na swak para sa bb.q Chicken.
(ROHN ROMULO)
-
GSIS, naglaan ng P1.5B para emergency loans sa dengue-hit areas sa E. Visayas
NAGLAAN ang state workers’ pension fund Government Service Insurance System (GSIS) ng P1.5-billion na emergency loans para tulungan ang mga miyembro at pensiyonado nito sa iba’t ibang lalawigan sa Eastern Visayas, mga idineklarang calamity areas dahil sa tumaas na bilang ng kaso ng sakit na dengue. Sa isang kalatas, sinabi ng GSIS na […]
-
Manila Cathedral opisyal nang binuksan ang ‘500-yrs of Christianity celebration’
Dumalo ang ilang mayors sa Metro Manila na nasa ilalim ng Archdioces of Manila sa pormal na paglulunsad ng Manila Cathedral sa 500 years of Christianity in the Philippines. Kabilang sa mga ito ay sina Manila Mayor Isko Moreno, Vice Mayor Honey Lacuna, Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano, Makati City Mayor Abby Binay, […]
-
Ads October 23, 2023