HELPER PINAGSASAKSAK NG TAXI DRIVER
- Published on December 24, 2020
- by @peoplesbalita
KRITIKAL ang isang 38-anyos na helper matapos pagsasaksin ng taxi driver marakaang maghinala ito na ka-relasyon ng kanyang ka-live-in ang biktima nang mahuli niya sa loob ng kanilang silid ang dalawa sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.
Ginagamot sa Valenzuela Medical Center sanhi ng mga tinamong saksak sa katawan ang biktimang si Randy Dejac, ng No. 5 Goldendale St. Brgy. Tinajeros.
Naaresto naman ng mga nagrespondeng tauhan ng Northern Police District (NPD) Mobile Force Battalion ang suspek na si Hipolito Gelicame, 49 sa kanilang tirahan sa 143 Pangulo Road, Brgy. Panghulo at isinuko pa ang ginamit niyang patalim sa pananaksak sa biktima.
Sa report nina police investigators P/SSgt. Diego Ngippol at P/Cpl. Michael Oben kay Malabon police chief Col. Angela Rejano, pumapasada ang suspek ng minamanehong taksi nang maisipan nitong gumarahe muna dakong ala-1:35 ng madaling araw nang lingid sa kaalaman ng kanyang kinakasama.
Nakapasok sa loob ng kanilang bahay si Gelicame nang hindi namamalayan ng ka-live-in subalit nang pumasok siya sa kanilang silid, dito niya naabutan ang biktima at ang kinakasama.
Sa tindi ng galit at panibugho, kinuha ng suspek ang balisong na nakapatong sa kanilang refrigerator at sunod-sunod na inundayan ng saksak si Dejac habang nagtatakbo naman palabas ng bahay ang kanyang kinakasama upang humingi ng saklolo sa mga nagpa-patrulyang mga pulis.
I-prisinta ng mga pulis ang suspek sa piskalya ng lungsod ng Malabon para sa kakaharaping kasong frustrated homicide. (Richard Mesa)
-
Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, naghanda ng vaccination plan para sa mga Bulakenyo
LUNGSOD NG MALOLOS – Bago ang pagdating ng unang pangkat ng COVID-19 vaccines, ibinahagi ni Gob. Daniel R. Fernando ang pangkalahatang vaccination plan ng Lalawigan ng Bulacan sa isang virtual press briefing sa pamamagitan ng Zoom application sa pangunguna ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, Jr. noong Huwebes. Sa kanyang presentasyon sa pagpupulong, sinabi ni Fernando na nagsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan […]
-
Nagpaabot ng tulong ang Senator Pacquiao Foundation sa 3,000 biktima ng pagbaha sa Rizal
Personal na binisita ni Pambansang Kamao Senador Manny Pacquiao ang ating mga kababayang Rizaleño mula sa San Mateo, Montalban at Brgy Mayamot sa Antipolo na napinsala ng bagyong Ulysses. Nagpaabot ng tulong ang Senator Pacquiao Foundation sa 3,000 biktima ng pagbaha. Ang bawat isa ay tumanggap ng family packs na naglalaman ng mga pagkain […]
-
‘Hazard pay’ ng health workers ‘di pa naibibigay
Aminado ang isang opisyal ng Department of Health (DOH) na hindi pa nailalabas ng Department of Budget and Management (DBM) ang ‘hazard pay’ ng mga health workers para sa unang anim na buwan ng kasalukuyang taon. Sinabi ni Health Undersecretary Leopoldo Vega na kasalukuyang pinoproseso pa nila sa DBM ang pagpapalabas ng ‘hazard […]