PBBM kumpiyansa, bagong electronic system ng gobyerno mapipigilan ang kriminalidad
- Published on July 20, 2023
- by @peoplesbalita
UMAASA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang dalawang bagong electronic initiatives na naglalayong i-streamline ang government processes ay makatutulong na mapigilan ang kriminalidad sa bansa.
“I am optimistic that this system will be used to help curb criminality, lawlessness, and ensure immediate responses to various incidents around the country. Thereby making our communities safer and more secure for everyone,” ang bahagi ng naging talumpati ng Pangulo matapos pangunahan ang paglulunsad ng Electronic Local Government Unit (eLGU) System at People’s Feedback Mechanism (eReport) naglalayong i-digitalize ang mga government service.
Ang “twin programs” aniya ay “mark a paradigm shift in the way that the government and citizens interact with one another.”
Tinukoy nito na sa pamamagitan ng eLGU system, makaka-avail ang mga Filipino ng local government services kabilang na ang “business permit at licensing, local tax processing, local civil registration, real property tax, barangay clearance, at information dissemination.”
Aniya pa, makadaragdag aniya ito sa pagsisikap ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) na alisin ang hindi kinakailangang “layers of bureaucracy” at gawing mas mabilis at epektibo ang transaksyon sa gobyerno.
Sa kabilang dako, ang eReport system, ay makapagpapalakas ng abilidad o kakayahan ng Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP) upang mas maayos na makatugon sa mga “emergency needs” ng publiko.
Pinapayagan aniya rin nito ang mga mamamayan na “to voice real-time reports” sa pamamagitan ng kanilang mobile devices, gaya ng subalit hindi limitado sa krimen, fire incidents at iba pang emergency situations
Tinuran pa ng Punong Ehekutibo na ang bagong inilunsad na mga inisyatiba ay “just a glimpse” ng maaaring ibigay ng digital revolution sa lipunan at paraan kung paano gumawa ng negosyo ang pamahalaan.
“We are now living in a world where technology is occupying a vital and important part of our existence. Let us embrace it and see the good it can do for our society,” ayon sa Pangulo.
“There are even more profound changes that we can expect should we choose to apply technology in many aspects of our lives. I truly believe that digitalization is a hallmark of our progress as we move to the future,” dagdag na wika nito.
Samantala, hinikayat naman ng Pangulo ang lahat ng local government agencies and LGUs na makipagtulungan sa Department of Information and Communications Technology (DICT) habang ang pinagsama-sama ng gobyerno ang lahat ng serbisyo sa kamakailan lamang na inilunsad na e-Gov PH Super App upang makamit ang nilalayon na maging multi-sectoral mobile application para sa lahat ng government institutions at transaksyon.
Nanawagan din ang Pangulo sa DICT, Department of the Interior and Local Government (DILG), at LGUs na tiyakin ang epektibong implementasyon ng EO No. 32 para mapabilis ang implementasyon ng infrastructure projects sa telecommunications industry upang sa gayon ay mapabilis ang digital transformation ng bansa.
Ang eLGU at eReport ay kapuwa nagsisilbi bilang “vital components” ng eGov PH Super App ng DICT, isang mobile application na pinagsama ang multi-sectoral government services sa iisang plataporma.
Ang mga sistemang ito ay suporta sa misyon ng pamahalaan na makapagbigay ng one-stop-shop para sa sebisyo nito. (Daris Jose)
-
Mga neophyte senators, hinimok ni Drilon na mag-aral at humingi ng payo sa mga eksperto
HINIMOK ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang mga bagong senador na dapat mag-aral ng mabuti at humingi ng payo sa mga eksperto. Aniya, ang pagkahalal ay hindi ginagawang senador. Dapat aniyang makuha ang respeto ng iyong mga kasamahan una, ang publiko pangalawa. Kaya naman, walang masama sa pag-aaral […]
-
BI, magbibigay ng serbisyo sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair
SINABI ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco na ang ahensiya ay magbibigay ng immigration services sa nalalapit sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair Leyte Normal University in Tacloban City nitong Agosto 2-3. Ito ay ang mabilis na access kabilang ang tourist visa extensions, exit clearances, dual citizenship applications, at iba pang serbisyo. Ang insyatibo […]
-
National ID System nakikitang makakatulong sa rollout ng COVID-19 vaccine sa Phl
Nakikita ng isang kongresista na makakatulong ang national ID system para sa maayos na rollout ng COVID-19 vaccine sa oras na maging available na ito sa Pilipinas. Ayon kay San Jose Del Monte, Bulacan Rep. Florida Robes, maaring gamitin ng pamahalaan ang biometric technology ng national ID system para matiyak na matatanggap ng mga […]