P6K fuel subsidy sa jeepney at tricycle operators
- Published on July 21, 2023
- by @peoplesbalita
TARGET ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) na makapagbigay ng P6,000 fuel subsidy sa mga operator ng pampasaherong jeep at tricycle sa susunod na buwan ng Agosto.
Sa QC forum, sinabi ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz na plano nilang ibigay ang naturang subsidy upang makatulong sa naturang mga operators sa tumaas na gastusin sa operasyon ng pampasaherong sasakyan dahil sa tumaas na halaga ng produktong petrolyo.
Niliwanag naman ni Guadiz na prayoridad na unang makatanggap ng subsidy ay ang mga pampasaherong jeep na sumailalim na sa consolidation o kasama na sa kooperatiba alinsunod sa rekisitos ng PUV modernization program ng pamahalaan.
“Kung hindi sila magko consolidate, bakit sila bibigyan ng subsidy..kaya ang bibigyan lang muna natin ng subsidy ay yaong mga nag consolidate na..na nag- ayos na pumasok na sa modernization” sabi ni Guadiz.
Idinagdag pa nito na noong Hunyo ay umaabot na sa 64.9 percent ng nasa transport sector ang sumailalim na sa consolidation o pagsasama- sama ng mga pampasaherong sasakyan para sa pagbuo ng kooperatiba o korporasyon.
Target anya ng LTFRB na sa December 31,2023 ay may 85 hanggang 90 percent na ang mga pampasaherong sasakyan na sumailalim sa consolidation.
Ang consolidation o pagsasama-sama ng mga PUVs sa iisang kooperatiba o korporasyon na isang hakbang para sa planong PUV modernization program ng pamahalaan.
Niliwanag naman ni Ortega na patuloy ang gagawin nilang pag-iikot sa ibat ibang panig ng bansa upang makausap at maipaliwanag sa mga hanay ng transportasyon ang kahalagahan ng pag-consolidate o pagsama-sama sa isang kooperatiba.
Iniulat din ni Chairman Andy Ortega ng Office of Transport Cooperative na pinag-aaralan pa nila ng LTFRB sa pangunguna ng DOTr ang mga guidelines sa ipapamahaging fuel subsidy.
Samantala, iniulat naman ni LTO President Orlando Marquez na naiparating din ng LTFRB sa kanilang hanay na tutulungan sila ng ahensiya na maisailalim sa rehablitasyon ang mga traditional jeep na matagal na pero road worthy pa sa ganitong paraan ay mababawasan din ang kanilang agam-agam na mawalan na ng kuwenta ang mga sasakyan.
-
Same sex couples, may blessing na sa Vatican
APRUBADO na ng Vatican noong Lunes ang mga pagpapala para sa same-sex couples, isang pinagtatalunang isyu sa Simbahang Katoliko, hangga’t wala sila sa mga kontekstong nauugnay sa mga civil union o kasal. Sa dokumentong aprubado sa ni Pope Francis , sinang-ayunan ng Vatican ang posibilidad ng pagpapala para sa magkapareha sa irregular na […]
-
Bukod sa hinuhulaan na kung sinu-sino ang magwawagi: Direk ICE, JONA, ZEPHANIE at REGINE, may mga pasabog sa ‘The 5th EDDYS’
KANYA-KANYA nang hula ang mga fans at netizens kung sinu-sino ang magwawagi sa The 5th EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd), ngayong Linggo na, November 27 sa Metropolitan Theater (MET). Magsisilbing host sa awards night ang talent manager at premyadong TV personality na si Boy Abunda at sa […]
-
PDu30, inaprubahan ang pagbili 15 Black Hawk helicopters
INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagbili ng 15 Black Hawk helicopters matapos na mamatay ang pitong katao sa Air Force chopper crashed sa Bukidnon noong nakaraang buwan. Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na unang nais ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay magkaroon ng 55 bagong helicopters subalit ito ay nabawasan ng […]