• April 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, inaprubahan ang pagbili 15 Black Hawk helicopters

INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagbili ng 15 Black Hawk helicopters matapos na mamatay ang pitong katao sa  Air Force chopper crashed sa Bukidnon noong nakaraang buwan.

 

Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na unang nais ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay magkaroon ng 55 bagong helicopters subalit ito ay nabawasan ng 15 habang ang bansa ay nahaharap  sa   COVID-19 pandemic.

 

Ayon pa kay  Nograles na batid ng administrasyon na mayroon na lamang kulang-kulang dalawang taon si Pangulong Duterte sa kanyang termino.

 

“We have only one remaining budget to be discussed, which is the budget for 2022. Given these realities and limitations, siyempre we had to temper kung ano yung makakayanan lang po natin.” ang pahayag ni Nograles.

 

“And the realistic number that was discussed was possibly 15. This number is an indicative number lang po. It also has a lot to do with the negotiations,” dagdag na pahayag nito.

 

Noong  Enero  22, sinabi ni Pangulong Duterte sa tropa sa Sulu na nais niyang makumpleto ang decommission ng lahat ng Huey helicopters sa Philippine Air Force’s (PAF) inventory dahil sa madalas na pagkakadawit nito sa fatal crashes, kabilang na ang insidente sa Bukidnon noong Enero 16.

 

Bago pa ang naging pahayag ng Pangulo sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ay mayroon na itong  existing procurement program para i- modernize  ang fleet of helicopters ng PAF.

 

Kamakailan lamang, nag- commissioned  ito ng  first six ng 16 Polish-made Sikorsky S-70i Black Hawk helicopters  na inorder noong  2019.

 

Ang natitirang 10 units ay inaasahang ide-deliver  sa loob ng first quarter ng 2021. (Daris Jose)

Other News
  • Mga nairehistrong sim cards sa bansa, umabot na sa mahigit 22-M – NTC

    MAHIGIT  22.2 million SIM cards ang nairehistro na, tatlong linggo makaraang simulan ang mandatory registration period, ayon sa National Telecommunications Commission (NTC).     Sinabi ni NTC Officer-in-Charge Commissioner Ella Blanca Lopez, na umabot na sa 22,298,090 ang SIM card registrants, as of Enero 18, o katumbas ng 13.20 percent ng kabuuang 168 million active […]

  • Ho nasasabik na sa Pasko

    BUWAN na ng setyembre  kya ramdam na ng dating athlete-TV host na si Gretchen Ho ang Kapaskuhan.   “I have spent the past four years greeting the start of the Christmas season on TV w/ a loud ‘ho-ho-ho’,” ppahayag nitong isang araw sa Instagram account niya ng former Philippine SuperLiga (PSL) at University Athletic Association […]

  • Nagpakitang gilas si Rivera habang ginulat ng Akari ang F2

    Naghatid si Prisilla Rivera ng mala-hiyas na farewell performance para sa Akari at Filipino fans, na nagpaputok ng 32 puntos at pinangunahan ang Chargers sa pagkabigla 25-21, 22-25, 26-24, 25-22 tagumpay laban sa F2 Logistics Cargo Movers noong Martes sa 2022 PVL Reinforced Conference.   Hindi lamang napigilan ng tagumpay ang pagtakbo ng F2 Logistics […]