• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

RAIN WATER COLLECTION SYSTEM ILALAPAT NA SA BUONG QC

INATASAN ni Quezon City Mayor Joy Belmonte si City Engineer Atty. Dave Perral na mag-install at magpagana ng mga rain water collection system sa lahat ng gusaling pag-aari ng lungsod at maging sa mga pampublikong paaralan sa syudad.

 

 

Ito ay bilang bahagi ng mga inisyatiba ng Quezon City LGU para tugunan ang mga nakaschedule na water interruption na makaaapekto sa ilang barangay.

 

 

Inaasahang aabot ng hanggang 11 oras ang nasabing mga interruption bunsod na rin ng patuloy na pagbaba ng water level sa Angat Dam, ayon na rin sa Maynilad.

 

 

Ayon kay Belmonte, malaki ang maitutulong nito para mapagaan ang epekto ng water interruption sa ating lungsod, lalo na sa mga komunidad na maaapektuhan ng water interruption.

 

 

Nakikipag-ugnayan na rin ang pamahalaang lokal ng Quezon City sa mga water companies upang matiyak na walang tagas o leak ang mga linya ng tubig.

 

 

Gayundin naman, maging ang Barangay and Community Relations Department ay inatasan na rin ni Belmonte na makipag coordinate sa Maynilad upang mamonitor ang schedule ng mga water tanker na aalalay sa mga apektadong barangay.

 

 

Samantala, responsibilidad naman ng Public Affairs and Information Services Depaetment o PAISD at ng Quezon City Citizen Services Department na makipag-ugnayan sa mga water concessionaires para sa mabilisang pagpapalaganap ng information kaugnay nga sa water interruption schedules. (PAUL JOHN REYES)

Other News
  • P150 umento sa sahod, aprub na ng Senado

    PASADO na sa Senado ang panukalang P150 across the board wage increase sa lahat ng manggagawa sa pribadong sektor sa buong bansa.     Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri na may akda ng Senate Bill No. 2022 o ang Across-the-board Wage Increase Act, ang nasabing panukala ay approved in principle at nakatakdang pag-usapan […]

  • 2020 Thunderbird Challenge, ilalarga

    ITATAMPOK ang mga matagumpay at bagong sumisikat na mananabong ng North Luzon at Metro Manila sa Thunderbird Pampanga Challenge 2020 na nakatakda sa Porac Cockpit Arena sa Mayo 20.   Lahat ng maging regional qualifier ang mga hahamon sa Thunderbird National Endorser na kinabibilangan nina Abraham Mitra, Sonny Lagon, Nene Abello, Eddiebong Plaza, Nestor Vendivil, […]

  • Paigtingin ang pagsisikap sa paglaban kontra kahirapan, ipromote ang kapayapaan, nat’l security

    HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga ahensiya ng pamahalaan na tulungan siyang maihatid ang kanyang pangako sa mga mamamayang Filipino na iangat ang “kondisyon ng ekonomiya, isulong ang kapayapaan  at palakasin ang  national security.”     Sa kanyang mensahe sa isinagawang oath-taking ceremony  ng mga opisyal ng National Amnesty Commission (NAM), National […]