• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hindi lahat ng pulis ay bugok gaya ni Nuezca – Malakanyang

Hindi lahat ng pulis ay bugok kagaya ni Senior Master Sergeant Jonel Nuezca.

Ito ang binigyang diin ni Presidential Spokesperson Harry Roque kasunod ng brutal na pagbaril in point blank ni Nuezca sa walang kalaban- laban na mag-inang sina Sonya Rufino Gregorio at anak nitong si Frank Anthony Rufino Gregorio, sa Paniqui, Tarlac sa gitna ng argumento, dahil di umano sa “boga” at right of way.

Ayon kay Sec. Roque, isang bugok lamang na pulis si Nuezca at hindi naman lahat ng kagawad ng pulisya ay kagaya nito.

Matindi aniya ang ipinatutupad na disiplina sa mga pulis kasama na ang tamang paggamit ng armas.

Sinabi pa ni Sec. Roque na ang baril ay para sa proteksyon ng mga alagad ng batas at hindi para gamitin laban sa kanilang mga personal na kaaway.

“Gaya ng aking nasabi kanina, isang bugok lang po iyang pulis na iyan; hindi naman po lahat ng pulis eh gaya niya.
Siyempre po, ang baril eh para sa proteksyon ng ating mga kapulisan, hindi po iyan para gamitin laban sa kanilang mga personal na mga kaaway,” anito.

Aniya, exception ang mga bugok sa kapulisan gaya ni Nuezca na bumaril sa mga walang kalaban laban.

“Uulitin ko po ‘no, talagang exception po ang mga bugok sa kapulisan; by and large po matindi po ang disiplina naman ng ating mga kapulisan,” lahad ni Sec. Roque. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

 

Other News
  • Perez, Adams aangas sa Dyip

    MAPUWERSA ang bagong kumbinasyon ng Terrafirma Dyip sa katauhan nina Christian Jaymar (CJ) Perez at Roosevelt Adams.   Kapwa top picks ng behikulo ang dalawa. Si Perez sa 34 th Phil- ippine Basketball Association Rookie Draft 2018 at si Adams ay sa 35 th PBA RD 2019.   Dalawang ‘halimaw’ sila ng Terrafirma na dapat […]

  • Mga miyembro at pensioners na apektado ng lindol, maaaring mag-avail ng emergency loan mula sa GSIS

    MAAARING mag-avail ng emergency loan ang mga miyembro ng state-run pension fund na Government Service Insurance System (GSIS) na apektado matapos tumama ang magnitude 7 earthquake sa Abra at naramdaman sa ilang bahagi ng Luzon kabilang sa Metro Manila.     Ayon kay GSIS president at general manager Wick Veloso, titiyakin nila na ang mga […]

  • Sentimyento ni Santiago

    NAKAHANDANG harapin ni volleyball star Alyja Daphne ‘Jaja’ Santiago ang lahat ng pagsubok na darating pa sa kanyang buhay at playing career.   Ikinuwento ng balibolistang Pinay sa Fivb.com ang naging karera niya sa Japan bilang import ng Saitama Ageo Medics sa Japan V.Premier League.   “Ending the season with a podium finish in the […]