• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Santos, Lassiter bak-ap hinahanap ni Austria

WALANG pili o pick ang San Miguel Beer sa 36th Philippine Basketball Association (PBA) Rookie Draft 2021 sa darating na Marso.

 

Kaya hahagilap ng ibang paraan si Leovino Austria para pasakan ang vacuum ng Beermen sa 46th PBA 2021 Philippine Cup sa Abril 9.

 

Isang malaking babak-ap kay Arwind Santos sa No. 4 para makumpleto ang 10 rotation, isa ring kahalili ni Marcio Lassiter sa 3 o 2 ang puntirya ng SMB coach.

 

Sa Pampanga bubble ng 45th PBA 2020 Philippine Cup nitong Oktubre 11-Disyembre 9, siyam lang ang nasa rotation ni Austria. No. 4 ang Beermen pagkatapos ng elimination round, pero dalawang beses kiuryente ng Meralco sa quarterfinals.

 

Si Moala Tautuaa ang pumalit kay June Mar Fajardo sa sentro na nagpagaling sa shin unjury. Wala rin sa bubble si Matt Rosser na mas pinili ang opt out, at napaaga namang  napaekssit  si Terrence Romeo bunsod ng dislocated shoulder.

 

Wala sa guni-guni ni Austria na ibahin na ang core ng kanyang starting five kina Alexaner Cabagnot, Jr., Christopher Ross, Fajardo, Santos at Lassiter.

 

Dahil wala ngang pick, maaring mangahoy ng available big ang Beermen sa free agency.

 

Makakabalik na si Fajardo sa susunod na season.

 

At may tagubilin ang six-time MVP sa kanyang coach.

 

“Ang sabi niya sa akin after our conference ended, ‘Pahinga ka lang, huwag mong isipin ‘yan. Bawi tayo next year,’” wakas na pahayag ni Austria. “So that means na confident siya.”(REC)

Other News
  • Allotment releases sa pondo ng bawat ahensiya ng gobyerno ngayong 2023, mahigit 50%- DBM

    PUMALO na sa  56. 4% na ng kabuuang 2023 national budget ang naipamahagi ng Department of Budget and Management (DBM) sa iba’t ibang tanggapan ng gobyerno.     Sa katunayan, “as of January 31” , mula sa 5. 27 triilion pesos na pambansang pondo ay nasa 2. 97 trilyong piso na ang naipamahagi.     […]

  • LRT 2 East Extension tinatayang magbubukas ngayon April

    Inaasahang magsisimula ang operasyon ng Light Rail Transit Line 2 East Extension sa darating na April 27, 2021 matapos ang ginagawang dalawang (2) estasyon.     “Rail commuters coming from and to the east side of Metro Manila will soon experience a more convenient travel as the two (2) additional stations of the LRT2 Line […]

  • BBM CAMP: 99.93% accuracy rate ng manual count nagpapakita ng totoong kagustuhan ng tao

    ANG  99.93 percent vote accuracy rate mula sa lumabas na random manual audit (RMA) ay ang patunay na nagdesisyon na ang mga Pilipino at ang kanilang kagustuhan ay dapat respetuhin, ayon sa kampo ni incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos nitong Lunes.     Ayon kay incoming Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez, ang random manual audit […]