• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sana ako si Santa Klaus (2)

NASABI na po kahapon ng Opensa Depensa ang Christmas wishes para sa ilang sports officials at athletes natin sa unang labas ng serye ng pitak na ito dahil nga Pasko 2020 na sa Biyernes, Disyembre 25.

 

Kabilang sa una ko pong mga natalakay na gusto kong ipagkaloob sa kanila kung ako sana si Santa Klaus dahil Pasko naman ay sina Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William Ramirez, Philippine Olympic Committee (POC) president AbarahamTolentino;

 

Pole vaulter Ernest John Obiena, gymnast Carlos Edriel Yulo, boxers Eumir Felix Marcial at Irish Magno.

 

Gayundin sa mga national sports association (NSA) na Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) pres. Philip Ella Juico, Gymnastics Association of the Philippines (GAP) pres. Cynthia Carrion-Norton, at Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) prexy Victorico Vargas.

 

Para po sa ikalawang batch:

 

Weightlifting Hidilyn Diaz – Hindi lang mag-qualify kundi magkamit ng gold medal sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na ni-reset lang sa Hulyo 2020 sanhi ng pandemya, sa pang-apat at huli na niyang quadrennial sportsfest makaraang mag-silver sa 2016 Riode de Janeiro Olympics.

 

Mary Joy Tabal – Makapasa sa Olympic Qualifying women’s marathon para sa ikalawa niyang pagkatawan sa bansa sa 2020 Tokyo Games at suntok man sa buwan, nawa’y makamedalya para sa maaring graceful exit na sa national team ng pinakamagaling na lady marathoner natin sa kasaysayan ng event sa may 50 taon.

 

Christine Hallasgo – Mag-qualify sa Tokyo Olympics tapos palitan si Mary Joy Tabal bilang No. 1 lady marathoner ng ‘Pinas noong 2019.

 

National MILO Marathon – Makabalik sa 2021 para sa ika-44 na edisyon makaraang makansela ang 43rd edition sa taong ito sanhi ng Covid-19 ,at makatuklas ng tigasing lalaki na magbabalik sa bansa sa trono ng men’s division sa 31st Southeast Asian Games 2021 sa Vietnam.

 

Karateka Jamie Christine Lim – Makapasa rin sa Olympic Qualifying Tournament upang makapasok sa 2020 Japan Olympics. (REC)

Other News
  • Warriors star Curry at BTS member Suga nagkita na

    NAGKITA  na sina Golden State Warriors star Stephen Curry at BTS member Suga.     Naganap ang pagkikita ng dalawa sa Japan kung saan nagpalitan sila ng mga gamit.     Isang basketball jersey ang ibinigay ni Curry na pirmado niya habang isang pirmado na kopya ng BTS album na “Proof” ang ibinigay ni Suga. […]

  • Ads January 14, 2023

  • Ads January 25, 2021