• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nagpaabot ng pagbati sa INC sa ika-109 na Anibersaryo ng Pagkakatatag

NAGPAABOT ng kanyang mainit na pagbati si Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga kapatid na Iglesia Ni Cristo (INC) na nagdiriwang ngayon ng kanilang 109th Founding Anniversary (Anibersaryo ng Pagkakatatag).

 

 

Ang wish niya sa religious organization ay magkaroon pa ng mas maraming lakas para isulong ang kanilang misyon hindi lamang para  sa kanilang samahan kundi sa buong bansa.

 

 

“Kaisa ng sambayanang Pilipino, binabati ko ang bawat Kapatid ng Iglesia Ni Cristo sa pagdiriwang ng inyong ika-109 na Anibersaryo ng Pagkakatatag,”  ang mensahe ng Pangulo sa  INC.

 

 

“Nawa’y sa selebrasyong ito, higit pang tumibay ang inyong pagkakaisa sa pananalangin at pagkilos tungo sa katuparan ng inyong mga layunin at mithiin para sa inyong simbahan at sa buong sambayanan,” dagdag na wika ng Pangulo.

 

 

Umaasa naman ang Pangulong  Marcos na magpapatuloy ang pag-unlad at pagiging matatag ng religious institution sa mga darating na taon.

 

 

Binigyang diin ng Pangulo na patuloy na naglilingkod ang INC  bilang gabay na liaw sa  kanilang kalupunan upang maging  “strongly united group.”

 

 

Binigyang diin pa rin ng Punong Ehekutibo na nagagalak siya na ang INC, ang mga minister, at mga miyembro nito ay “religiously sharing their faith and teachings” hindi lamang sa pamamagitan ng ebanghelisasyon kundi maging sa pamamagitan ng kanilang ” acts of charity.”

 

 

“Gawin ninyong bukal ng lakas at inspirasyon ang mga aral na iniwan ni Hesus. Ipagdasal po ninyo ang ating bansa at kapwa mga Pilipino na patuloy na pagpalain ng Panginoon at bigyan ng sapat na lakas upang harapin ang mga hamon ng bukas,” ayon sa Pangulo.

 

 

Samantala, umaasa rin ang Pangulo na  INC, sa ilalim ng liderato ni Executive Minister nito na si Ka Eduardo Manalo, ay magpapatuloy na magiging katuwang ng pamahalaan sa pagsusulong para sa progresibo, mapayapa at nagkakaisang Pilipinas. (Daris Jose)

Other News
  • SWAB TESTING COMPANY SA NAIA NA GRABENG MANINGIL DAPAT MAPAALIS SA PALIPARAN -MALAKANYANG

    KINAKAILANGAN na mapaalis ang swab testing company sa airport na sobra ang hinihinging singil sa mga indibidwal na nagpapa rt- PCR test sa kanila.   Tugon ito ni Presidential spokesperson Harry Roque sa harap ng impormasyon na isinawalat ni Senador Richard Gordon na ilang swab testing firms ang naniningil ng beinte mil kada swab test. […]

  • “Exhuma” Unveils New Trailer: A Thrilling Cinematic Journey Begins in PH Cinemas

    CATCH a glimpse of “Exhuma,” Korea’s box office sensation, with its new trailer. Starring Choi Min-Sik and Kim Go-Eun, this thriller is set to captivate Philippine audiences on March 20.   The anticipation builds as “Exhuma,” the Korean thriller that shattered box office records upon its release, prepares to thrill Philippine audiences with its premiere […]

  • Ads September 10, 2021