• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SWAB TESTING COMPANY SA NAIA NA GRABENG MANINGIL DAPAT MAPAALIS SA PALIPARAN -MALAKANYANG

KINAKAILANGAN na mapaalis ang swab testing company sa airport na sobra ang hinihinging singil sa mga indibidwal na nagpapa rt- PCR test sa kanila.

 

Tugon ito ni Presidential spokesperson Harry Roque sa harap ng impormasyon na isinawalat ni Senador Richard Gordon na ilang swab testing firms ang naniningil ng beinte mil kada swab test.

 

Giit ni Sec. Roque, hindi dapat na nakapasok sa airport ang ganitong uri ng pananamantala lalo’t isang pribelehiyo ang ibinibigay sa mga may kalakalan sa paliparan.

 

“Well, iyan po ay nanggaling kay Senator Richard Gordon bagama’t alam ninyo naman po ang access sa NAIA ay restricted at in-assure naman po tayo ng NAIA na ang lahat po na pumapasok na mga PCR test personnel ay namu-monitor naman po nila.

 

So minabuti pa rin po na magkaroon ng imbestigasyon diyan pero ang assurance po sa atin, dahil restricted nga po iyang airport, eh mukhang malabo naman daw po iyan mangyari,” ayon kay Sec. Roque.

 

Kaya ang panawagan ni Sec. Roque sa publiko lalo na sa mga nagbayad ng P20, 000 sa kada swab test sa airport ay mangyaring magbigay ng kanilang testimonya.

 

Sa ganitong paraan ayon kay Sec. Roque ay maaaring mapa- alis ang naturang swab testing company na grabe ang ginagawang paniningil sa kada salang sa COVID 19 testing.

 

“Kung mayroon po talagang nagbayad ng P20,000 eh magbigay sana po sila ng testimonya nang sa ganoon eh mapaalis natin sa airport iyan ‘no, dahil iyong mga nagsasamantalang ganiyan po hindi dapat nakakapasok ng airport dahil pribilehiyo naman po iyong binibigay nating negosyo sa kanila kapag sila po ay magbibigay ng PCR testing sa mga bumabalik na OFWs at mga Filipi- nos at iba pang mga dayuhan na pumapasok po sa airport,” lahad nito. (Daris Jose)

Other News
  • Gun ban ipapatupad sa inagurasyon nina Marcos, Duterte

    MAGPAPATUPAD  ng gun ban ang Philippine National Police (PNP) para sa inagurasyon nina President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa Maynila at Vice President-elect Sara Duterte sa Davao City.     Ayon kay Police Major General Valeriano De Leon, PNP Director for Operations, simula ngayon, Hunyo 16-21 ipatutupad ang gun ban sa Davao Region para sa […]

  • TO CELEBRATE PETS DAY, SONY PICTURES LAUNCHES “MONSTER PETS” SHORT FOR “HOTEL TRANSYLVANIA: TRANSFORMANIA”

    IN the short film, Monster Pets, Drac’s lovable, monster-sized puppy, Tinkles, has more energy than ever and just wants to play ball! Unfortunately, Drac is too busy juggling his duties at the hotel, so he is determined to find a monster pet companion for his huge furry friend. After a series of mismatches, Drac’s plan goes […]

  • Napiling maging host ng ’71st Miss World’: MEGAN, muling iwawagayway ang bandera ng Pilipinas

    MULING iwawagayway ni Megan Young ang bandera ng Pilipinas dahil siya ang napiling maging host ng 71st Miss World.     Idaraos ang nasabing prestigious beauty competition sa Jio World Convention Center sa Mumbai, India sa Sabado, March 9.     May post ang Miss World Organization at kinilala ang husay ni Megan (na nanalong […]