• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Atas ng DSWD sa mga regional director: Bilisan ang pagpapalabas ng food packs

SINABIHAN ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang mga regional director na bilisan ang pamamahagi ng  relief packs sa mga lugar na apektado ng kamakailan lamang na bagyo at Habagat. 

 

 

Ani Gatchalian, nagpalabas ang  National Resource Operations Center (NROC) ng libo-libong kahon ng family food packs (FFPs) sa nakalipas na dalawang araw.

 

 

“I hope all the RDs are allocating these and releasing them as fast as NROC. And we hope that the stakeholders get them fast. The goods should not sleep in our warehouses,” ayon kay Gatchalian.

 

 

Sinabi ng mga regional director,  mamamahagi sila ng mga relief goods alinsunod sa delivery plan na dinisenyo ng  DSWD Disaster Response and Management Group.

 

 

Batay sa pinakabagong data mula sa  National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), makikita na ang death toll mula sa pinagsamang  epekto ng Southwest Monsoon o Habagat at  Typhoon Egay  ay umakyat sa 27 “as of August 2.”

 

 

Tinatayang mahigit sa 2.8 milyong katao, o 765,000 pamilya ang apektado ng  tuloy-tuloy na pag-ulan at pagbaha sa 4,646 barangay sa buong bansa.  Sa nasabing bilang, may 289,713 indibiduwal ang na-displaced at inilipat sa 677 evacuation centers.

 

 

Idineklara naman ang state of calamity sa 154 lugar sa bansa dahil sa epekto ng Egay at Habagat. Ang mga lungsod at munisipalidad ay matatagpuan sa  Ilocos Region,  Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, at  Cordillera Administrative Region.

 

 

Ayon sa NDRRMC, 595 lugar ang nananatiling baha “as of Wednesday.”

 

 

Tinatayang  P187.4 milyong halaga ng tulong ang ibinigay sa mga apektadong rehiyon.  (Daris Jose)

Other News
  • PDU30, bababa sa pwesto na pinaka-popular na pangulo – Publicus Asia Survey

    75% NA approval rating ang nakuha ni Pang. Rodrigo Duterte batay sa pinakahuling survey ng Publicus Asia.     Sa isinagawang survey ng Publicus Asia sa 1,500 respondents mula June 16-22 taong kasalukuyan, lumalabas na 75% sa kanila ay ‘approve’ o ‘strongly approve’ sa performance ni Pang. Duterte sa nakalipas na halos 6 na taong […]

  • Obiena tama ang pagpayag

    MABUTI at sumang-ayon na si 2020+1 Tokyo Olympian men’s pole vaulter Ernest John Obiena sa mediation ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa gusot niya sa Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA).     Ito ang naging tugon niya sa mga senador sa mahigit limang oras na hearing ng Senate Committee on Sports at […]

  • VHONG NAVARRO, SUSUKO SA NBI

    NAKATANDANG sumuko  sa National Bureau of Investigation o NBI ang TV host na si Vhong Navarro.     Ito ay matapos maglabas ng kautusan ang Taguig Metropolitan court ng warrant of arrest laban sa actor comedian sa kasong acts of lasciviousness na isinampa noong 2014 ng model-stylist na si Deniece Cornejo.     Kinumpirma ng […]