Administrasyon ni PBBM, humirit ng P31-B calamity fund para sa susunod na taon
- Published on August 5, 2023
- by @peoplesbalita
HUMIRIT ang administrasyong Marcos sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ng P31 billion calamity fund para sa taong 2024.
Nais kasi ng gobyerno na mas maraming pondo ang maipamahagi sa panahon ng kalamidad.
Kilala rin bilang National Disaster Risk Reduction and Management Fund (NDRRMF), ang panukalang calamity fund ay mas mataas ng 51.2% kumpara sa kasalukuyang P20.5-billion appropriation.
Saklaw ng P31 billion ang P17.9 billion na angkop para sa “aid, relief and rehabilitation services to communities/areas affected by calamities, including training of personnel, and other pre-disaster activities.”
Ang pigura ay tumaas mula sa P12.3 billion na alokasyon ngayong taon.
Kabilang din ang P13.05 billion, mula sa kasalukuyang P7.1 billion, para sa “repair and reconstruction of permanent structures, including capital expenditures for pre-disaster operations, rehabilitation and other related activities.”
Hindi naman kasama sa panukala ng NDRRMF ang ‘ line item’ para sa Marawi Siege Victims Compensation Fund, na mayroong P1 billion alokasyon para ngayong taon.
Ang Republic Act 11696 o Marawi Siege Victims Compensation Act ay nilagdaan upang maging ganap na batas noong April 2022, lumikha ng Marawi Compensation Board. Ang board ay nakalista ng hiwalay sa ilalim ng “Other Executive Offices” at may panukalang budget na P1,117,555,000 para sa taong 2024.
Samantala, ang panukalang calamity fund ay naglalaman ng P7.425 billion Quick Response Fund (QRF) para sa “Department of Agriculture (P1 billion, kahalintulad ngayong 2023), Department of Education (P3 billion, tumaas mula sa P2 billion ngayong taon), Department of Health (P500 million, kapareho ngayong taong 2023), Department of Interior and Local Government (DILG)-Bureau of Fire Protection (P50 million, kaparehong ngayong taon), DILG-Philippine National Police (P50 million, kapareho ngayong taon), Department of National Defense-Office of Civil Defense (P500 million, kaparehong ngayong 2023), Department of Public Works and Highways (P1 billion, bumaba mula sa P11 billion ngayong taon), Department of Social Welfare and Development (P1.25 billion, bumaba mula sa P1.75 billion ngayong taon) at Department of Transportation-Philippine Coast Guard (P75 million) (Daris Jose)
-
ISKO AT DR.WILLIE ONG, NAGSANIB PUWERSA
IIWAN na ni Mayor Isko Moreno Domagoso ang Maynila at ipagkakatiwala nito ang pamamahala kay Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna- Pangan ang pagiging punong ehekutibo sa lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila. Ito ang sinabi ni Domagosa kasabay ng ginawa nitong proklmasyon ngayon araw sa kanyang kandidatura sa pagka- Pangulo ng bansa sa […]
-
NFL Hall of Fame ceremonies kanselado na
Kinansela na ang Professional Football Hall of Fame 2020 induction dahil sa coronavirus pandemic. Gaganapin sana ang nasabing ceremony mula Agosto 5-9. Sinabi ni Hall of Fame CEO David Baker, inalala nila ang kaligtasan ng mga Hall of Famers, fans at volunteers kaya minabuti na nila itong kanselahin. Dagdag pa nito na […]
-
Ex-vice presidential candidate Walden Bello arestado dahil sa kasong cyber libel
INARESTO ng Quezon City police si dating vice presidential candidate Walden Bello dahil sa kasong cyber libel. Ang kaso ay isinampa ni dating Davao City Information Officer Jefry Tupas. Sa pitong pahinang resolution na inilabas noong Hunyo 9 ay napatunayan umano na ang dating mambabatas ay lumabag sa Revised Penal Code […]